• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao clears up relationship rumors with Diether Ocampo

Shaina Magdayao clears up relationship rumors with Diether Ocampo

Shaina Magdayao says that she is willing to meet new people but is not yet ready to be in a relationship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/26/2012 8:19 AM
Shaina Magdayao clears up relationship rumors with Diether Ocampo


092612-shaina_main.jpgPaliwanag ni Shaina Magdayao ay parang third season na ng kanilang teleseryeng Kung Ako’y Iiwan Mo dahil dalawang beses na itong na-extend. “Na-realize nga namin mga isang buong taon na kaming nagti-taping, so masaya kami and we’re all very thankful kasi isang taon na kaming lahat may trabaho. Isang buong taon na kaming blessed. Siyempre may happy Christmas ang aming staff ang crew dahil nga may mga trabaho kami so we’re all very thankful dahil kung hindi kami sinusuportahan hindi kami umeere,” mahabang paliwanag ng aktres.

Samantala, binigyang-linaw naman ng aktres ang pagkaka-link niya sa kanyang fellow actor na si Diether Ocampo. Lately ay naglabasan ang mga bali-balitang may namumuong magandang pagtitinginan sa pagitan ng dalawa.

“He’s my kuya. Kung gaano ako katagal sa ABS-CBN, gano’n ko na siya katagal kakilala dahil we’re under one handler,” paliwanag ni Shaina. Nang sundutin ito ng tanong kung hindi ba nanliligaw sa kanya si Diet, tugon ng aktres, “Kuya ko nga, eh. Ba’t naman manliligaw?

Aniya, hindi naman daw sila lumalabas at kung lumalabas man daw sila kasama raw ang mga ibang artista na ka-grupo nila kagaya nina Bea Alonzo, Zanjoe Marudo at Enchong Dee.

Inusisa rin si Shaina kung handa na ba siyang magkarelasyon muli pagkatapos mag-break sila ni John Lloyd Cruz. “Let’s all be friends. Kung may gustong makipagkaibigan then fine, maging friendly tayo,” aniya. “Ayoko muna [ng relationship]. First time ko yatang ini-enjoy ‘yung pagiging single ko, so namnamin ko muna ito. When I’m ready, I will let you know.”

Lubos-lubos naman ang kanyang pasasalamat sa pagiging supportive ng kanyang pamilya sa kanya.