Angel: I'm ready to be 'Darna' again

Angel Locsin says she sees no problem in becoming the Komiks heroine once again.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/26/2012 2:05 PM
Angel: I'm ready to be 'Darna' again


092612-angel_main.jpgInamin ng aktres na si Angel Locsin na handang handa na siya sakaling maibalik sa kanya ang bato para muling maging "Darna."  

Kahit hindi pa man sigurado ay mas naging sexy na muli si Angel sa pamamagitan ng pagwo-workout.

"Hindi ko alam. Pero ako siyempre gusto ko lang alagaan ang sarili ko. Kung maibibigay ba sa akin ulit 'yung oportunidad o hindi, pero ako ready ako," ani Angel na iginiit na wala pang malinaw na kumpirmasyon ukol dito ang ABS-CBN.

"Ako si 'Darna' talaga. Pero sinurender ko ang bato noon. So, hindi ko alam kung ibabalik pa sa akin ang bato. Hindi ko alam, hindi pa ako makapagsalita doon. Kasi siyempre management po ang magsasalita doon and nothing is final pa naman," dagdag ng aktres. 

Kung saka-sakali din aniya, wala naman siyang nakikitang magiging problema sa pagbabalik bilang "Darna" dahil maayos naman niya itong nagampanan dati.

"So tignan natin kung pareho pa bang 'Darna' ang makikita. Pero hindi fair kung maaga akong magsasalita kasi wala pa namang final or hindi pa din napi-present talaga 'yung story. Okay naman kasi 'yung naiwan ko bilang 'Darna before.' So lahat pinag-iisipan namin."

Nagpaabot din ng pasasalamat at kasiyahan si Angel na marami pa din ang mga taong suportado siya para muling lumipad bilang "Darna." 

Sa ngayon ay busy si Angel bilang parte ng "Toda Max" kung saan bida sila Robin Padilla at Vhong Navarro.