Karylle guest stars in Singaporean series 'Point of Entry'

The singer-actress is happy to be able to penetrate into the Singaporean entertainment scene.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/25/2012 8:30 AM
Karylle guest stars in Singaporean series 'Point of Entry'


092512-karylle_main.jpgConfirmed na lalabas muli si Karylle sa isang international TV project. Magkakaroon ng guest appearance ang singer-actress sa Singaporean action-drama series na 'Point of Entry' kung saan makakasama niya ang  Singaporean stars na sina Carl Ng, Fadhila Samsudin & Bernard Tan. Magshu-shoot ng siyam na araw si Karylle sa Singapore at apat naman dito sa Pilipinas. 

Aside from her new TV project, masaya din si Karylle para sa kanyang ina dahil handa na itong magbalik trabaho after ng operasyon nito sa kidney kelan lang. Marami ang nakapansin na tila okay na okay si ZsaZsa sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan. Ani Karylle, nakatulong nang malaki sa Divine Diva ang pagpunta niya sa US for a whole month. “Siyempre it was for check up and surgery pero more than that, it was a nice escape. She was there for a month. It was a breath of fresh air for being able to walk around, nagpapasyal-pasyal."

Naniniwala rin ang singer na ang lakas ng kanyang ina ay galing from the grace of God dahil kahit daw sila ay namamangha sa ipinapakitang lakas ni ZsaZsa.  Babalik na raw sa trabaho si Zsa Zsa sa susunod na Linggo. “She’s very excited to go back to work. Wala munang patakbo-takbo siguro very relax lang,” aniya. 

Samantala, very touched naman si Karylle sa pagkilala ng mga anak ni Dolphy sa kanya bilang kapatid din nila, lalo na si Eric Quizon na very vocal sa pagsasabing bahagi ng pamilya nila si Karylle. “They always stress na kapatid nila ako. Di ko ma-explain ang tuwa na nararamdaman ko.”