• Home
  • Fresh Scoops
  • Heart Evangelista clarifies that she is not yet in a relationship with Sen. Chiz Escudero

Heart Evangelista clarifies that she is not yet in a relationship with Sen. Chiz Escudero

The actress confirms she constantly communicates with the senator but they are not yet an item.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/23/2012 9:45 PM
Heart Evangelista clarifies that she is not yet in a relationship with Sen. Chiz Escudero


092412-heart-main.jpgHindi pa kami dumadating doon, mahabang getting-to-know-you ito dahil (I’m) really taking my time, I’m not in a rush,” pahayag ni Heart Evangelista hinggil sa isyu pa rin kung sila na ba ni Sen. Chiz Escudero. “It’s always nice to get to know a person, dinner ganyan, kuwento-kwento.” Recently nga raw ay nagkita sila to have dinner. 

Nalilito na nga raw si Heart kung ano na ba ang itatawag niya sa relasyon nila ngayon ni Chiz dahil iba-iba na rin ang labels. Sa previous statement ni Sen. Chiz ay sinabi niyang nakikipagkita siya kay Heart pero ito raw ay meeting. “I really don’t know what you call it these days. I’m so confused if it’s a meeting, dating, getting-to-know-you but whatever it is we’re not officially together. I’m happy, period,” anang aktres. 

Nilinaw din ni Heart ang status niyang ‘I miss you Chiz curls.’ sa Twitter dahil inakala ng marami na ang tinutukoy niya ay si Sen. Chiz. Pero sa recent interview niya, paliwanag ni Heart, “Hindi talaga siya ‘yon pero dahil lagi ko siyang ka-text ‘yung Chiz curls, ‘yung Chiz niya nag-capital C pero hindi talaga siya ‘yon. Nagkataon nag-automatic ‘yung i-Phone ko, na-capital C kaya dun sumablay.” 

Inaasahan naman daw na magsasalita si Sen. Chiz sa special episode ng Kris TV sa October 5 na siya ring last day ng senador bilang co-host sa nasabing programa.