• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo admits to being a confidante to Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz

Bea Alonzo admits to being a confidante to Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz

The actress says she tries to be a good friend to both Shaina and John Lloyd.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/23/2012 11:21 PM
Bea Alonzo admits to being a confidante to Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz


092412-bea-main.jpgBalik bansa na si Bea Alonzo na bumisita sa France kamakailan para sa showing doon ng blockbuster movie nila ni John Lloyd Cruz, ang The Mistress

Sa The Buzz kahapon ay ikinuwento rin ni Bea ang nakakikilig na effort ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo noong nanood sila ng The Mistress. “Hinintay niya ako pagkagaling sa Nice (France),” simula ng aktres. “Sabi niya dapat kasama ko siyang manood. Nanonood ako, tinatakpan ko ‘yung mata niya, nakakahiya.” Ang tinutukoy ni Bea ay ang ilang sensitibong eksena sa kaniyang pelikula. “After the movie, nakakatuwa siya kasi sobrang supportive niya, tumayo siya, pumalakpak siya tapos sabi niya, ‘Hoooooo!’” pahayag ng aktres. “Tuloy ‘yung mga tao sa loob ng sinehan napilitan silang pumalakpak.” Nagkaroon din daw ng standing ovation at pagkatapos ay nagkaroon pa ng photo-op. Para raw tuloy block screening ang nangyari pero sobra raw siyang natuwa sa ginawa ni Zanjoe at very proud na proud siya sa kanyang boyfriend. 

Dahil din sa blockbuster movie niyang The Mistress, maugong ngayon ang posibilidad na maaaring masungkit muli ni Bea ang titulong Box-Office Queen at at makakuha ng best actress awards. “Wini-wish ko (na sana magkatotoo), di ako magpapaka-plastic kasi di ba ang sarap makakuha ng box-office queen (title) at grand slam queen,” ani Bea. “Pero ang hirap kasing umasa. Expect ka nang expect ‘yun pala di naman ikaw. Pero syempre sobra sigurong magiging kumpleto ang kaligayahan ko kung makakatanggap ako ng awards na sa 10th anniversary pa ng love-team (namin ni John Lloyd), parang milestone sa amin ito.” 

Tinanong din si Bea kung nakakapag-usap ba sila ng kanyang best-friend na si Shaina Magdayao at ang ex nitong si John Lloyd na constant love team niya. “Napag-uusapan,” pagkumpirma ni Bea. “Hindi naman pwedeng iwasan ‘yon pero kung ano ‘yung sa kanila, (dapat) sa kanila. I talk to Shaina about it pero kung ano ‘yung sinasabi niya sa akin, 'di ko sinasabi kay Lloydy. Si Lloydy din naman we talk about it pero hindi ko naman pinaparating kay Shaina, kumbaga may respect as individuals, as my friends.” Pagpapatuloy pa niya hindi raw siya pwedeng makisangkot para hindi maging kumplikado ang sitwasyon.