Zanjoe Marudo proud of Bea Alonzo as 'Mistress'

The actress says her boyfriend even gave her a standing ovation during their movie screening.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/21/2012 7:58 PM
Zanjoe Marudo proud of Bea Alonzo as 'Mistress'


092212-zanjoe-main.jpg
Inamin ni Bea Alonzo na hindi naging madali para sa kanya na panoorin ang kanyang pelikulang "The Mistress" kasama ang nobyong si Zanjoe Marudo.

Sabi ni Bea, sa pangalawang pagkakataon ay napanood niya ang pelikula ni John Lloyd Cruz kasama naman si Zanjoe.

"Kapag kissing scene namin ni Tito Ron (Ronaldo Valdez) ay tinatakpan ko ang mata niya. Kapag kissing scene namin ni John Lloyd tinatakpan ko ang mata niya kasi nakakahiya. Tapos may eksena pa na hindi ko naalala na naka-bra lang pala ako so sabi ko, 'Oh my God.' Nahihiya ako sa kanya pero nakakatuwa dahil very supportive (siya)," ani Bea na umaming ang "The Mistress" ang pinaka-daring at mature film na ginawa niya.

Ayon pa kay Bea, nagawa pang sumigaw at tumayo ni Zanjoe sa loob ng sinehan para ipakita ang kanyang  suporta. "Pagkatapos ng pelikula pumalakpak, tumayo siya tapos sumigaw siya 'woo woo.' So lahat ng tao ay nagpalakpakan na din. Nakakahiya, para siyang naging block screening kasi nag-picture taking kami after,"  ani Bea.

Pag-amin ng aktres hindi niya inaasahan ang matinding pagsuporta ng mga manonood sa pelikula nila ni John Lloyd na tinuturing nilang regalo sa kanilang mga tagahanga para sa kanilang ika-sampung anibersaryo bilang love team. "Pitching pa lang sinasabi ni Inang (Olivia Lamasan) na 'anak huwag ka masyadong mag-expect kasi itong istoryang ito masyadong matapang, baka hindi pang-box office at saka masyadong adult," sabi pa ni Bea.

Matapos ang "The Mistress" magiging busy naman si Bea at John Lloyd sa kanilang seryeng "A Beautiful Affair."