• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks is now open to playing more edgy and sexy roles

Melissa Ricks is now open to playing more edgy and sexy roles

Melissa Ricks isn't afraid to take risks with her roles because she has 'to step up a bit.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/21/2012 7:53 PM
Melissa Ricks is now open to playing more edgy and sexy roles


092212-melissa-main.jpgSa autograph signing ng isang sexy men’s magazine kung saan siya ang featured cover girl for the month, inamin ni Melissa Ricks na una pa lang ay may interes na talaga siyang gawin ito. Aniya, “I actually think its every girl’s hidden little secret na ini-imagine lang nila na they want to be the cover of a sexy men’s magazine not because guys want to but because you want to see yung katawan mo. In the future you want to see how pretty you were.”

Pero inamin ni Melissa na pinaghirapan niya ang katawang meron siya para makapag-pose sa sexy magazine, “Mga two months ako nag-diet and I lost mga 12 pounds lang. [It was] really, really hard kasi araw-araw kami may taping ng Walang Hanggan and I had no time to exercise and all I had to do was eat healthy, tumakbo paminsan-minsan. But I am very happy how it turned out, kung ano ang kinalabasan.”

Hindi ba ito ang magiging huli niyang pag-pose para sa isang sexy magazine? “Kung may ibang offer we’ll see, you never know. Maybe not just for a men’s magazine, you know other magazines. I am also looking forward to shooting for other magazines as well.”

Kaya naman sa daring move na ito ni Melissa, tinanong naming siya kung ano ang naging reaksiyon ng boyfriend niya na si Paul Jake Castillo. “Siyempre I had the first copy and when I showed it to him, yung reaction niya was ‘maganda’ that’s all he said. One word ‘maganda’ and with that word okay na ako.”

Sa ekslusibong panayam na ito ng Push.com.ph natanong ang dalaga kung nakaramdam ba siya ng takot o konting kaba bago ipakita ang mga sexy poses niya kay Paul Jake. “Actually the first layout for approval I sent it to him and he said they were all very nice and natuwa naman ako sa yung hard work mo. Siyempre I was scared about how people would see me or how they would approve of me going a little bit risky and they embraced it naman. Natuwa naman sila so I was very happy.”

Matapos ang pagiging daring niya sa telebisyon na nagsimula sa Nasaan Ka Elisa? hanggang sa pagpo-pose niya ng sexy sa isang men’s magazine, magiging daring din kaya siya sa pelikula? “Depende siguro sa role na ibibigay nila sa akin. I started off with Nasaan Ka Elisa? na very risky na nga rin> Marami silang na-cut na mga scenes, inedit-out and it really depends on the story at alam ko naman na hindi ako pababayaan ng ABS-CBN. So in the future, we’ll see hopefully ibang Melissa naman ang makikita niyo. You have to step it up a bit.”