Jessica Sanchez, 'Idols' enjoying stay in Manila

The American Idol Top 10 say they feel the love of their fans in Manila and hopes everyone enjoys their concert.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/21/2012 3:09 PM
Jessica Sanchez, 'Idols' enjoying stay in Manila


092112-jessica_main.jpgInamin ni "American Idol Season 11" runner-up Jessica Sanchez na nage-enjoy siya sa kanyang pananatili sa bansa.

Dumating sa bansa si Jessica sa bansa nito lamang Martes kasama ang ilan pang finalists ng "Idol" para sa concert tour nila sa Araneta Coliseum itong Biyernes ng gabi.

"Haven't been on in a bit. Miss and love you guys! Having so much fun Manila ;)," ani Jessica.

Nauna nang sinabi ni Jessica na mas matagal siyang mananatili sa bansa kumpara sa kanyang mga kasamahan sa idol. Nais din ng singer na mas malaman pa ang kultura ng mga Pinoy.

Samantala, nagpaabot din ng kasiyahan ang big winner ng "Idol Season 11" na si  Phillip Phillips sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy sa kanilang grupo.

"Its been awesome meeting all the fans and support here in the Philippines. You all are amazing!," ani Phillips.

Ayon naman kay Joshua Ledet, dama niya ang pagmamahal ng mga Pinoy.

"They show us so much love here (:"

Para naman kay Colton Dixon at sa nobyo ni Jessica na si DeAndre Brackensick, ipinangako nilang hindi malilimutan ng mga Pinoy ang kanilang palabas.

"Alright Philippines, we are going to make sure you remember the 21st night of September!! ......see what I did there;-)," ani Colton.

"Phillipines:) gonna be the craziest show we'll ever have:) cant wait:)," pahayag ni DeAndre.