Carlo Aquino confirms homecoming to Kapamilya Network

The actor admits he lost confidence in himself, the reason why he became inactive in showbiz.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/21/2012 2:40 PM
Carlo Aquino confirms homecoming to Kapamilya Network


092112-carlo_main.jpgSa recent story conference ng bagong horror movie na kinabibilangan ni Carlo Aquino, natanong namin ang aktor kung ano ang kanyang pakiramdam matapos mapabilang sa horror hit na Amorosa: The Revenge, ngayon naman ay isa siya sa cast ng isa nanamang horror film, ang Shake, Rattle and Roll XIV mula sa direksyon ni Chito Roño. “Exciting sobrang excited ako na mapasama sa horror at mahilig ako manood ng horror lately e,” sabi ng aktor.  

At sa tanong kung hudyat na ito ng pagtodo niya sa paggawa ng pelikula, sagot ni Carlo, “Oo mas sineseryoso ko na! Ito na talaga, magtatrabaho na ako.” Kaya naman sa ekslusibong panayam na ito ng push.com.ph natanong namin sa aktor kung ano ang rason at pakiramdam niya ay hindi siya nag-seryoso sa mga nauna niyang projects. “Nandun lang yung nag-doubt ako sa sarili ko kaya siguro medyo nawala ako sa paningin ng tao.” Inamin naman ni Carlo ang pinagmulan ng pagdududa sa sariling kakayahan. “Siguro expectations. Baka yun, dahil ang bata ko pa lang ang dami nang nangyari sa akin na hindi ko ineexpect.

Ngunit sa lahat ng pinagdaanan niya sa kanyang propesyunal at personal na buhay, nagbabalik si Carlo na mas inspirado sa kanyang napiling larangan. “Yung pagmamahal ko sa trabaho ko at pagmamahal ko sa family ko kasi sinusuportahan ko sila. Ito kasi yung craft na gusto kong gumaling at gusto kong ipamahagi sa tao.”

At kasabay nga ng pag-amin ng kanyang naging personal na pinagdaanan sa sarili at sa karera ay ang pag-amin ng kanyang pagbabalik-Kapamilya. At ngayong nasa ABS-CBN na muli si Carlo kung saan siya nagsimula, “Ayun masaya ako dahil eversince naman ito yung family ko e sila yung nagpalaki sa akin. Happy ako na nandito na ako.” Pero inamin naman ng aktor na naging mahirap din ito para sa kanya. “Kasi natatakot ako na baka wala nang naniniwala sa akin, yung ganung pakiramdam pero nung Star Magic Ball na-feel ko na very welcome ako.” 

“Family”, ang naging sagot ni Carlo nang tanungin kung anong nagpadesisyun sa kanya na bumalik sa kinalakihang network. “Ang sarap ng pakiramdam na kumportable ka sa mga kasama mo.” Ayon kay Carlo maayos naman ang kanyang pag-alis sa dating kinabilangang network at wala namang naging problema nang magdesiyun siyang umalis doon.

Handa naman daw si Carlo na makatrabaho ang dating kasintahan at ka-love team na si Angelica Panganiban. Gusto rin daw niya makatrabaho sina Coco Martin, Julia Montes at Gerald Anderson. 

May mensahe din si Carlo sa walang sawang sumusuporta sa kanya. “Sobrang maraming-maraming salamat sa mga sumusuporta sa akin mula noon at nandito na po ako ulit ngayon sana nandiyan pa rin kayo.