• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson on courting Sarah Geronimo: 'Huwag na natin palakihin ang sitwasyon'

Gerald Anderson on courting Sarah Geronimo: 'Huwag na natin palakihin ang sitwasyon'

The actor says that he and Sarah Geronimo remain friends and that's what matters.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/3/2012 12:37 AM
Gerald Anderson on courting Sarah Geronimo: 'Huwag na natin palakihin ang sitwasyon'


090312-gerald-main.JPGSa The Buzz kahapon ay ipinakita ang recent concert ni Sarah Geronimo kung saan naging special guest pa niya sa nasabing event si Gerald Anderson. Pagkatapos ng concert ay inabangan ng mga press people si Gerald at tinanong kung ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon nila ni Sarah. Matatandaang napabalita previously na tumigil na ng panliligaw si Gerald sa Pop Star Princess subalit may mga nagsasabing meron pa raw talagang namamagitan sa kanila. 

Kinunan ng reaksyon si Gerald sa tanong sa kanya ni Sarah sa stage kung single pa raw ba ito. Sinabi ni Gerald na hindi raw niya kasi narinig ang tanong na iyon ni Sarah. “Siyempre single pa ako,” sagot ng aktor. “I am single, di rin ako nagmamadali. In time siguro para sa growth ko rin. Pwede ako mag-start (na) mag-date, know other people pero malayo pa ho ‘yon. Relax lang ako.” 

Nang tanungin ang estado ng relasyon nila ni Sarah, ang direktang sagot ng binata, “We’re friends and sa ngayon that is the most important thing. Marami pong lumabas, andaming narinig, kung ano ho napanood, nabasa n’yo, napanood sa TV, kayo na bahala kung ano iisipin n’yo, kung ano ang totoo dun at hindi. Ang pinag-uusapan naman is very personal, we have no right to talk about other people. Bigyan ho natin ng privacy at katahimikan ang pamilya ni Sarah at sana sa akin din. Like I said, friends kami and that’s all I need to say,” pakiusap ng binata. 

Sa tanong naman kung patuloy pa rin ba ang komunikasyon nila, ng tugon ni Gerald, “Recently hindi kasi napaka-busy niyang tao. 'Wag na nating palakihin ang sitwasyon.” 
 
Sa panig naman ni Sarah, sinabi niya na masaya siya everytime na nagkikita sila ni Gerald. “Natutuwa talaga ako,” saad ng singer. 

Aniya sana nga ay mag-blossom pa ang kanilang friendship. At inamin din ni Sarah na nakakaramdam pa rin siya ng kilig kay Gerald.