• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla describes relationship with Kathryn Bernardo as 'complicated'

Daniel Padilla describes relationship with Kathryn Bernardo as 'complicated'

Although he was very sweet towards his 'Princess and I' co-star, Daniel says they are yet to become an official couple.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/3/2012 12:12 AM
Daniel Padilla describes relationship with Kathryn Bernardo as 'complicated'


090312-kathniel-main.JPGNgayong September 4 ay ipagdiriwang na nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang first anniversary nila bilang magka-love team. Sa The Buzz kahapon nang tanungin kung kailan ba silang magiging official na magkarelasyon, ang sagot ni Kathryn, “Matatagalan pa ‘yon, sa ngayon love team na muna.” 

Very proud naman si Daniel sa pagsasabing lucky charm niya si Kathryn pagdating sa kanyang career. “Siguro dahil ngayon po talagang andami pong blessings na dumarating sa akin na kasama ko si Kathryn,” simula ng binata. “Sa lahat po ng projects wala po talaga akong shows na hindi siya kasama, parang lahat ng bagay na mabubuti ang nangyayari pag kasama ko si Kathryn, kaya talagang swerte din siyang kasama.” 

Ang dalawa ang magkasama sa Star Magic Ball na ginanap noong Sabado, Setyembre 1. Pagbubunyag pa ni Daniel, Enero pa lang ay niyaya na niya si Kathryn na maging ka-date niya sa ball. Hindi naman daw maalala ni Kathryn kung kelan siya niyaya ni Daniel pero ang mahalaga raw ay ang binata ang naging ka-date niya noong gabing iyon. Ang kwento pa ng dalawa sa The Buzz magkasama sila before, during at after the ball. 

Pinaka-unforgettable raw kay Kathryn ang paglakad sa red carpet dahil iyon daw ay pagsisimula ng pagpasok ng event at nagpapa-picture ang mga artista at tapos ay magkapareha sila ni Daniel. Hiniritan din ang dalawa kung ano na ba ang status ng kanilang relasyon at ang sagot ni Daniel na magkahalong biro at may laman, “It’s complicated. Magulo po (ang maging magkarelasyon), bawal. Magulo po ngayon dahil bata pa po kami.” Paniniyak niya, si Kat lang ang laman ng kanyang puso.  

Nagbitaw rin ng pangako sina Kat at Daniel sa isa’t isa sa mga susunod pang taon na magka-love team man sila o hindi. “Kahit paghiwalayin kami, andito pa rin ako as a friend para kay DJ (nickname ni Daniel),” simula ni Kathryn. “Kahit ano’ng mangyari basta lagi lang ako andito. Kung may problema siya (andito lang ako) at di ko siya makakalimutan.” Nang tanungin kung kelan niya balak sagutin si Daniel, sagot ng dalaga, “Abangan na lang natin kasi bawal pa po ngayon.” 

Para sa parte naman ni Daniel, ang binitawan niyang pangako sa kanyang leading lady, “Siyempre kahit ano’ng mangyari di ako mawawala at lagi akong andito para sa ‘yo. At kahit magkahiway tayo –na wag naman sana—eh mas magiging mas matindi pa rin ako sa next na ka-love team mo, magiging parang ka-loveteam mo pa rin ako.”