• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann admits she has an inspiration aside from daughter Ellie

Andi Eigenmann admits she has an inspiration aside from daughter Ellie

Although someone is making her happy now, Andi wants to keep her love life in low profile.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/2/2012 11:37 PM
Andi Eigenmann admits she has an inspiration aside from daughter Ellie


090312-andi-main.JPGHanda nang magpatawad ang aktres na si Andi Eigenmann sa mga taong nanakit sa kanya, gaya ng kanyang former boyfriend na si Albie Casiño. “Dati lagi ko pong sinasabi wala pa po akong napapatawad kasi wala namang nagso-sorry, pero ngayon parang para sa akin, on my own, iniisip ko na lang let’s say sorry siya. Sige, napatawad ko, ganon ako. At the same time, sorry din naman ako. Ang bait-bait no’n (Albie). Siguro he just made wrong decisions in his life. Hindi ko po pwedeng sabihin na siya lang ‘yung (nagkamali) just because ginawa n’ya yon,  siya lang ‘yung masama. Nasaktan ko rin siya.” 

Naitanong sa kanya ng The Buzz kung pwede pa rin bang makita ni Albie ang sinasabing anak niya kay Andi na si Ellie. Kung noon ay  sinasabi ni Andi na pwedeng makita ni Albie si Ellie, tila ngayon ay nag-iba na ang ihip ng hangin. “Hindi naman po niya anak si Ellie,” tugon ng aktres. “Biologically yeah, they look so much alike (pero) kung ayaw niya hindi di ko rin ipipilit ‘yon. Parang wala ng ganon. What would that make me if I force it on people who don’t want (to do something against their will)? A lot of people love Ellie, (she) has so much fans. Everyone loves her. We don’t need them,” matapang na tugon ni Andi. 

Vocal si Andi sa pagsasabing meron siyang inspirasyon ngayon at sa kanyang Instagram ay kita ang mga pictures nila ni Jake Ejercito, anak ni dating pangulong Joseph Estrada. Gayunpaman, pagdating sa interview ay ayaw ng aktres na pag-usapan ang paksa. “Besides Ellie, I have an inspiration. There’s someone special to me pero I’m not in a relationship, I’m single,” paglilinaw niya. “I just don’t wanna force things because we both always want to make it a point not to fail.” Ayaw raw nilang ipilit ang mga bagay-bagay at maghihintay raw sila ng tamang oras. 

Dagdag pa ni Andi, hindi simple ang kanyang sitwasyon dahil siya ay single mom at maaaring maging mahirap ito sa panig ng lalaki, kaya naman kahit siya ay dahan-dahan muna.