• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano and Martin Nievera hope ZsaZsa Padilla makes a full recovery

Gary Valenciano and Martin Nievera hope ZsaZsa Padilla makes a full recovery

Gary Valenciano and Martin Nievera praise ZsaZsa Padilla for overcoming her adversities.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/20/2012 7:44 AM
Gary Valenciano and Martin Nievera hope ZsaZsa Padilla makes a full recovery


092012-martingary_main.jpgAng hinihintay na lang ngayon nina Gary Valenciano at Martin Nievera ay ang lubos na paggaling ng kanilang katrabaho at kaibigang si ZsaZsa Padilla, who recently went through surgery to have a polyp removed from her left kidney. Magandang balita para sa dalawang music icons na nadiskubreng hindi naman pala cancer ang nakitang polyp sa Divine Diva.

“We’re so happy that ZsaZsa is well. We’re extremely happy na hindi cancer and what we thought was cancer,” simula ng Concert King. “It means [that] prayers really work, the power of prayers, the power of praying really works and ZsaZsa is living proof.”

Sa text messages pa lang daw nakapagkamustahan sina ZsaZsa at Martin. Papuri pa niya sa kasamahan, “Ang galing talaga ni ZsaZsa, ‘yung kaba niya tama. May problema talaga. If she had waited long like the rest of us o pahilod mo na lang, gamot na lang bukas okay na ‘yon… ZsaZsa, because of her paranoia she’s healthy today. Maybe it’s a message for all of us to learn.”

Hindi na nga raw siya makahintay na makabalik sa trabaho si ZsaZsa para magkatrabaho silang muli.  

Nakapag-usap na rin daw sina Gary V at si ZsaZsa at sa kanilang pag-uusap ay alam ni Mr. Pure Energy na magiging maayos na ang lahat para kay ZsaZsa. “I’m really glad [that] she’s okay and she sounds like she’s in good spirit. So we’re just waiting for her dito sa ASAP,” ani Gary.

Bilib nga raw siya sa Divine Diva dahil sa kabila ng napakarami niyang pinagdaanan ay nanatili siyang matatag. “With all she had to face in the past she’s always been like that…a fighter. Paminsan-minsan she’s crying and all, but paminsan-minsan lang, hindi ‘yung tipong everyday, every hour. She’s very strong, very prayerful and I think that is the secret as to why everything’s okay.”

Gaya ni Martin, umaasa rin si Gary sa agarang paggaling ng singer-actress para makasama na uli siya sa trabaho. “Anytime naman basta with ZsaZsa Padilla, I’m looking forward to it kasi hindi lang siya magaling na singer, magaling din siyang actress and she’s got awards for that. And to be able to act and work with her and to sing with her again is something I will certainly look forward to.”