'Idols' in Manila for a show

Idol finalist Jessica Sanchez is thankful for her Philippine fans' support.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/18/2012 7:00 PM
'Idols' in Manila for a show


091812-idol-main.jpgDumating na sa bansa ang singer na si Jessica Sanchez at ang 10 finalists ng "American Idol Season 11" nitong Martes ng umaga.

Nakatakdang mag-concert ang mga "American Idol" finalists sa darating na Biyernes (September 21) sa Araneta Coliseum.

Halos hindi naman makapaniwala si Jessica sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kababayang Pinoy.

Bago magmadaling araw ay nasa Ninoy Aquino International Airport na ang ilan sa mga tagahanga ni Jessica at iba pang "Idol" finalists. 

Hindi naman nasayang ang paghihintay ng ilang miyembro ng media kabilang ang ABS-CBN News nang magpaunlak ng maikling panayam si Jessica.

Sa panayam, nagpaabot ng pasasalamat si Jessica sa lahat ng sumuporta sa kanya. Aniya, hindi siya makakarating sa kanyang kinalalagyan kung wala ang mga kababayang Pinoy na nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kanya.

"Thank you guys for all the support that I'm getting at this place where I'm at right now. I'm so excited to be in the Philippines," ani Jessica.

Sa Twitter, sinabi naman ni Jessica na di pa din siya makapaniwalang nasa bansa na siya. 

"Can't believe I'm here. Manila will def be one of my best memories. <3," ani Jessica.

Maliban sa concert, sinasabing may iba pang proyektong gagawin si Jessica sa bansa kung kaya't mas magiging mahaba ang pananatili niya sa bansa.