• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda stresses that he and AiAi delas Alas are very much on good terms

Vice Ganda stresses that he and AiAi delas Alas are very much on good terms

After resolving their misunderstanding a few months back, AiAi delas Alas and Vice Ganda have strengthened their friendship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/16/2012 10:28 PM
Vice Ganda stresses that he and AiAi delas Alas are very much on good terms


091712-vice-main.jpgKararating lang kamakailan ni Vice Ganda sa Pilipinas after a series of concerts sa US. Kaya naman noong nakaraang Sabado ay bumalik na siya sa It’s Showtime at nagkataon pa na nag-krus ang landas nila ni AiAi delas Alas na guest judge sa nasabing show. Matatandaang nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan ang dalawa noon pero nagkaayos din. “Sobrang okay po, sobrang okay. Ang sarap ng pakiramdam wala akong naramdaman kahit konting bahid na may pinagdaanan kaming di masyadong maganda nung nakaraan,” sagot ni Vice Ganda kahapon sa The Buzz nang tanungin siya tungkol kay AiAi.

Ikinuwento rin ng komedyante kung paano sila nagkita bago pa man nagsimula ang episode ng It’s Showtime noong Sabado. “Nung nasa dressing room po ako sinabihan ako ng staff na mag-aabot kayo ni Ms. Ai. Hindi ko po alam na mag-aabot kami ni Ms. AiAi kahapon. Tapos parang nung sinabi ‘yon sa akin, ah talaga? Okay,” kuwento niya.

Sa social networking sites pa lamang daw kasi ay marami na ang nagtatanong kung magkikita ba sila sa It’s Showtime.Eh ako gusto ko din. Kaya gusto kong andun si Ms. AiAi para masagot namin ‘yung mga tanong na di namin kailangang sagutin. ‘Yung presensya pa lang namin nasagot na namin ‘yung mga nasa isip nila,” dagdag pa ni Vice. 

Bago pa man daw sila sumalang sa pagsisimula ng show ay nagkita na sila sa backstage. “Nandun na ako naka-standby na ako kasi opening prod ako. Dun din pala siya manggagaling kaya nung pagdaanan niya don sabi nung floor director, ‘Tabi ka muna si Ms. AiAi pala muna ang lalabas.’ Sabi ko, ‘Ay talaga? Nasa’n siya?’ Tapos nung parating na siya inakap ko na siya agad kasi hindi niya ako nakita kasi madilim. Sabi ko, ‘Ms. Ai!’ Sabi niya, ‘Ay bakla, andito ka na pala.’ Tapos nagtsikahan kami agad, tapos tinanong niya agad, ‘O kamusta ang kapatid mo?’ Kasi bestfriend niya ‘yung kapatid ko nung high school. Tsikahan kami nang tsikahan. Ang ganda tapos nagkita pa kami sa birthday ni Direk Wenn (Deramas), super pa-picture kaming dalawa,” pagtatapos niya.