• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria admits that Jolo Revilla is someone special to her

Jodi Sta. Maria admits that Jolo Revilla is someone special to her

The versatile actress refuses to go into detail about her relationship with Jolo Revilla.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/16/2012 10:32 PM
Jodi Sta. Maria admits that Jolo Revilla is someone special to her


091712-jodi-main.jpgSa The Buzz kahapon ay inamin ni Jodi Sta. Maria na dumating siya sa puntong tanggap na niya na baka pang-supporting roles na lamang ang makukuha niya. Ito ay kaugnay ng nakagugulat na mainit na pagtangkilik sa kanyang highly successful morning teleserye na Be Careful With My Heart na masasabing first-ever leading role ni Jodi in a TV series sa tinagal-tagal niya sa industriya. "Dumating po ako sa ganung point. Kumbaga tanggap ko na na hanggang dito na lang ako, pang-support lang talaga," sambit ng aktres. "Kumbaga lahat ng nangyayaring ito hanggang ngayon hindi ko pa rin… kumbaga panaginip lang sa akin hanggang ngayon. ‘Yun na nag-mindset ako eh. Pero minsan sumasagi sa isip ko na malay mo isang araw magkaroon, makatisod ako ng (lead) role.” At nagkatotoo nga ito sa pagdating ng Be Careful With My Heart.

Pagpapatuloy pa ni Jodi hindi raw sumama ang loob niya kahit sa mga panahong hindi siya nabigyan ng major role. "'Di naman magkakaroon ng pain kung tanggap mo na naman, eh. ‘Yung nangyari ngayon siguro po parang everything fell into place,” paliwanag pa niya. "Kumbaga 'di naman po talaga siya pinilit. God is good all the time. Sinasabi nila na a fruit tastes better and sweeter when it’s ripe and right. Good things come to those who wait.” 

Tila hindi rin inasahan ni Jodi ang tanong ni Boy Abunda nang bigyan niya ito ng situational na kunwari raw ay biglang itanong ng anak niyang si Thirdy kung boyfriend ba nito si Jolo Revilla na for a time now ay nali-link kay Jodi. Sagot ng aktres, "Honest po ako sa anak ko." Dahil very safe ang tugon ni Jodi ay diniretso na ni Boy ang aktres kung gaano nga ba kaimportante si Jolo sa buhay niya. "I would say na he is someone special right now. Hanggang dun na lang po muna," anang aktres.