• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson clarifies issues concerning Sarah Geronimo and her mother

Gerald Anderson clarifies issues concerning Sarah Geronimo and her mother

The actor says people should give Sarah's family the privacy and respect they deserve.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/16/2012 10:34 PM
Gerald Anderson clarifies issues concerning Sarah Geronimo and her mother


091712-geraldA.jpgKung wala pa raw siyang love life sa ngayon, naniniwala si Gerald Anderson na isinusulat pa ng Diyos ang kanyang buhay pag-ibig kaya ayaw niya itong madaliin. Nang tanungin kung ang ibig bang sabihin nito ay hindi niya ikinokonsiderang bahagi ng kanyang love life ang mga babaeng naunang iniugnay sa kanya, ang mabilis niyang sagot, “Kasama ‘yan sajourney, kasama ‘yan sa story. Sa isang libro di ba maraming nangyayari? Hindi lang isang istorya lang.”  

Sa tanong kung hindi raw ba siya nanghihinayang sa pagtatapos ng magandang pagtitinginan nila ni Sarah Geronimo, ang tugon ang aktor, “Basta ako hindi. Masaya ako sa nangyari sa amin. Meron ho akong mga moments na para sa amin lang.” 

Itinanggi rin niya ang mga bali-balitang hindi pa raw talaga sila tunay na nagkalabuan ni Sarah, bagkus inililihim lang daw nila ito lalo na sa nanay ni Sarah na si Mommy Divine. “Mahirap din maghiwalay ang hindi naging (magkasintahan). Kumbaga like I said I’m very blessed to have the opportunity to share the beautiful moments na kasama ko siSarah and ‘yun lang ‘yon. No regrets. Sa bawat tama, sa bawat mali sa bawat failure,sa bawat success andami nating natutunan, (kaya) no regrets. Wala na ho kamingcommunication (ni Sarah)." Pakiusap pa ni Gerald, “Nangyari na ho ang mga nangyari, kailangan ho nating tanggapin at move on.”  

Sa mga umaasa raw na magkakaroon pa sila ng third movie ni Sarah, sinabi ni Gerald na wala raw silang magiging third movie sa ngayon. Kinunan din ng pahayag si Gerald sa mga sumisisi kay Mommy Divine na siya umanong dahilan kung bakit tinapos na nina Sarah at Gerald ang kanilang magandang ugnayan. “Bigyan natin ng respeto at privacy ang pamilya nila, si Sarah. No one deserves that. Wala tayong karapatan para mag-comment o magbigay ng ating… lalo na kung ang sama ng sasabihin natin. Sana sabay-sabay na ho tayong mag-move on and give everyone respect and privacy,pati na rin ho sa akin,” pakiusap niya. 

When asked kung worth fighting for ba ang isang Sarah Geronimo ang sagot ni Gerald ay, “’Yung pagkatao ni Sarah is someone very special to me. Ang bait,  genuine Ang bait talaga. ‘Yung friendship namin is sobrang worth keeping.” Pero may pahabol pa si Gerald nang sundutin ito ng tanong kung hindi ba worth fighting for si Sarah, ang mabilis na tugon ang aktor, “I’ve done enough fighting. We fight for reasons lahat tayo may dahilan.”