Andi Eigenmann admits Jake Ejercito is a very close friend

The actress reveals that she and Jake Ejercito are spending time together but her priority as of the moment is her daughter Ellie.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/16/2012 10:30 PM
Andi Eigenmann admits Jake Ejercito is a very close friend


091712-andi-main.jpgKomento ni Toni Gonzaga kay Andi Eigenmann kahapon nang mag-guest ang huli sa The Buzz, tila lucky charm ng aktres ang kanyang anak na si Ellie, who is turning one year old this November. Kasama kasi si Andi sa pelikulang Pridyider, sa teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan at nakapila pa ang dalawang movie projects bago matapos ang taon. 

Panunukso ni Toni, marahil ay very inspired kasi si Andi kaya maganda ang takbo ng kanyang karera ngayon. “Inspired, I always am, (but) not committed,” tugon ng aktres. Tinanong din siya kung si Jake Ejercito ang dahilan kung bakit siya inspired. Hindi kasi mamatay-matay ang isyung may namamagitan na sa kanilang dalawa ni Jake.  “Jake and I have always been in one group palagi,” paliwanag ni Andi. “Madalas ko po siyang nakikita. Now he’s back here in Manila. He’ll always be special to me naman. He’s my friend. Just a friend. Close friend. Special siya sa akin.”

Mukhang hindi pa raw sila handa kung relasyon ang pag-uusapan. “Bata pa po kami at saka may kanya-kanya pa kaming responsibilities na inaatupag and ‘yung mga priorities na dapat nagpo-focus kami on,” paliwanag ni Andi. Ayaw raw nilang magmadali at ang kanyang anak ang prayoridad ni Andi.

Umaani rin ng papuri si Andi dahil sa kanyang very daring na pagganap bilang Veronica sa Kahit Puso’y Masugatan dahil medyo may pagka-liberated at matapang ang role na ito. Hindi naman daw siya  nagdalawang-isip na tanggapin ang role. “For me kung anuman ang project na ilalatag sa akin na kung alam mo mabibigyan ng justice, ginagawa ko ‘yung craft ko. Gagawin ko po talaga siya without hesitation. All I want is to continue improving and entertain. Ginampanan ko lang po siya the best way I could and I’m so happy ‘yung feedback po maganda kahit first time ko lang pong mag-portray ng role na medyo daring.”