• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo on Daniel Padilla: 'Mas maalaga siya sa akin ngayon'

Kathryn Bernardo on Daniel Padilla: 'Mas maalaga siya sa akin ngayon'

Kathryn Bernardo says that Daniel Padilla is even more attentive to her nowadays.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/15/2012 1:50 AM
Kathryn Bernardo on Daniel Padilla: 'Mas maalaga siya sa akin ngayon'


091512-kathryn-main.jpgOpen si Kathryn Bernardo na subukan ang iba namang characters, kagaya ng kontrabida or mature roles bukod sa teenybopper roles. “If bibigyan ng chance  [why not?]… siguro alam naman nila (management) if it’s for the better, so why not po? Kung anong ibigay na role kahit superhero, action star, go!”

Nang tanungin siya kung handa na ba siya sa more mature roles gaya ng ginagawa ng kanyang close friend na si Julia Montes, ani Kathryn, “Siguro mas mature nang konti pero hindi pa ‘yung super talaga. Siguro ipe-prepare ko na lang pag mga 18 (years old) na ako.

Kinumusta rin si Kathryn tungkol sa kanila ni Daniel Padilla na sa isang interview ay inamin nilang mag-MU (mutual understanding) na ang stage nila. “MU, magulong usapan, hahaha!” biro ng dalaga. “Okay [kami], friends po kami ngayon. Ganon pa rin, close pa rin.”

Nang sundutin ng tanong kung paano ang trato sa kanya ngayon ni Daniel, ang nakakikilig na sambit ng dalaga, “Mas maalaga siya sa akin ngayon.” Sinundot ito ng isa pang tanong kung mas lumakas ba ang pag-asa ni Daniel sa kanya dahil sa kanyang masarap na pag-aalaga, ang nautal na sagot ni Kathryn, “Ha? Matagal pa. Lahat may pag-asa. Kung sincere sila… kahit sino manligaw basta sincere.”

Nang matanong naman siya kung paano siya magpakita ng care sa isang tao, sagot ni Kathryn, “Hindi ako ganun ka-expressive sa feelings ko, eh. Pero siguro ipinapakita ko na lang. Di ako vocal, so bahala na kung mapi-feel nila ‘yon.”