Joseph Marco talks about his recent bout of dengue

Joseph Marco says that having dengue was difficult to deal with because it affected his work.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/15/2012 1:17 AM
Joseph Marco talks about his recent bout of dengue


091512-joseph-main.jpgSa pagkakasali ni Joseph Marco sa listahan bilang isa sa mga hottest bachelors ng isang sikat na women’s magazine, nakausap ng Push.com.ph ang binata tungkol sa kanyang pakiramdam sa pagiging isa sa mga centerfold. “Well I just feel very thankful and happy and looking forward sa day ng event, so excited.”

Nagkwento din si Joseph ng mga paghahandang kanyang ginagawa para dito. “Well actually sa buong career ko even nung nagmomodel pa ako, ito yung pinakamahirap na pinagdaanan ko. Kasi three weeks ago kagagaling ko sa Dengue at nahirapan ako magrecover tapos Bench Underwear [fashion show] pa. Work out talaga everyday.” Dagdag pa ng aktor, “Actually ang mahirap yung first week talaga, yung adjustment. But after nakapag-adjust ka na, mahirap pa rin siya pero madali na rin compared to the first one.”

Hindi rin alam ng marami na nagkasakit ng dengue si Joseph at na-confine sa ospital ng anim na araw. Ibinahagi niya rin ang dinanas niya sa kanyang pagkakasakit. “Grabe sobrang taas ng lagnat ko but thankfully hindi bumaba yung platelet count ko at nakarecover naman ako after six days.” Malamang daw nagkasakit siya at ng kanyang kapatid dahil sa binaha sila noong hagupit ng habagat. Dagdag din ni Joseph sa kanyang dinanas na sakit, “Nakaka-trauma talaga magka-dengue kasi tulad niyan, ang dami mong mamimiss at hindi mo kayang gumawa ng gagawin.”

Malaki ang pasasalamat ni Joseph na hindi ito nakaapekto sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang seeyeng Against All Odds kung saan kasama niya si Judy Ann Santos. “Thankfully hindi pa kami nag-aair kaya naman nakakambyo yung show na at least okay na ibang scene naman ang kukuhanan. Nag-sorry na lang ako kay direk and sa team at good thing naintindihan naman nila.

At nang kamustahin ng Push siya sa kanilang ginagawang serye, “Very relaxed since hindi pa kami nag-aair, at masaya yung set.” Naikwento din niya ang kanyang experience na nakakatrabaho niya ngayon ang Queen of Teleserye na si Judy Ann Santos. “Hindi ko lang inexpect na ganun pala talaga sila kabait si Judy Ann Santos. It feels so surreal na nakakatrabaho ko sila and knowing na most of my scenes kasama ko siya at wow lang at very thankful for this project.”

Inamin din ni Joseph na ang pagiging bahagi ng pagbabalik-teleserye ni Juday ay isa sa malalaking break ng kanyang karera. “Yes, more of pressure na excited kasi hindi ko alam e. Hindi ko nafefeel yung pressure and they make me feel na welcome talaga ako dun sa show, lalo na si direk na may tiwala talaga siya sa akin so hindi naman ako nape-pressure.”