Markki Stroem insists he's just friends with Zia Quizon

Markki Stroem says he and Zia Quizon share a lot of common interests.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/13/2012 8:48 AM
Markki Stroem insists he's just friends with Zia Quizon


091312-markk-main.jpgNakapanayam ng Push.com.ph si Markki Stroem kung ano ang naramdaman niya na mapasama siya sa isang showbiz magazine bilang isa sa mga hottest celebrities. “I don’t even know how it happened. There are those na nakikita mo sa TV all the time, ako more on music lang ako, more on singing sa mga corporate events so like maybe this is just a different side of a bachelor in a sense, the singer. Nag-eenjoy and I am very happy na napili ako for this bash.”

At dahil dito inamin ni Markki na mas maraming mga babae ang nagpapakita ng motibo ngayon sa kanya at pati mga dating nakarelasyon ay nagpaparamdam. “Actually there are quite a few and even previous girlfriends sa buhay ko nagpaparamdam. Sabi ko career muna. Showbiz answer pero kasi may play ako, may album ako, may movie ako na lalabas so busy and I am shooting another music video for an artist next week so yun.”

Sa huling panayam ng Push.com.ph kay Markki inamin ng binata na very close sila ni Zia Quizon ngayon. Nang matanong ng Push kung kamusta ang kanilang komunikasyon matapos ang pinagdaanan ng ina nitong si Zsa Zsa Padilla, “We communicate once in a while I mean Zia is just a friend, a very good friend, we just have a lot of things in common that we share. We share the same likes and dislikes on stuff.”

Pero dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t isa, kung may pagkakataon ba may plano si Markki na ligawan ang dalagang Quizon? “Actually sa ngayon more on friends lang, mas friends lang kami ngayon, platonic friendship na it’s very mind over heart.” Ngunit inamin ng binata na kung sakaling madevelop ang kanyang feelings sa dalaga, “Depende, if things happen but if not we will still be friends.”