• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga refuses to have any billing issues with Vice Ganda and Luis Manzano

Toni Gonzaga refuses to have any billing issues with Vice Ganda and Luis Manzano

Toni Gonzaga says that there's no issues between her, Vice Ganda, and Luis Manzano.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/12/2012 9:28 AM
Toni Gonzaga refuses to have any billing issues with Vice Ganda and Luis Manzano


091212-toni_main.jpgNgayon pa lang inaabangan na ang pelikulang pagbibidahan nina Luis Manzano, Toni Gonzaga at Vice Ganda. Marami na ang nagsasabing isa nanaman itong box-office hit dahil sa pagsasama-sama ng tatlo sa pinaka-bankable at pinaka-magagaling sa kanilang henerasyon. Kaya naman nang makausap ng Push.com.ph ang isa sa mga bida na si Toni Gonzaga, naikwento ng dalaga kung ano ang aabangan sa kanya dito. “I play the role of Gemma tapos meron akong dalawang lalaking manliligaw sa akin pero yung isa pala ay hindi totoong lalaki. Yung isa pala ay kaya lang manliligaw sa akin ay gagantihan niya yung ex niya na si Luis. Ako naman I will fall for both guys not knowing na yung isa pala ay hindi totoong guy.”

Kinamusta din ng Push kung ano nga ba ang nangyayari kapag nagkakasama sila kapag shooting. “Riot! Ang saya! Hindi na nga namin alam kung ano ang gagawin kasi napapagalitan kami kasi tawa lang kami ng tawa. Minsan may mga eksena na sinisigawan na ako ni Direk Wenn (Deramas) kasi nanginginig yung balikat ko e kapag yung over the shoulder.”

May pressure ba kay Toni na matapatan ang lakas sa takilya nang Praybeyt Benjamin dahil ngayon ay tatlo pa sila nina Luis na magkasama? “Lagi namang may pressure sa industriya. Kahit anong gawin nating project may pressure. Pero what I always say if I will siguro think only of the pressure hindi ko maeenjoy yung project, yung movie. So instead of thinking about the pressure siguro i-enjoy ko na lang yung break and this wonderful movie and with God’s blessing and if God permits that it will make a lot of money and we are praying, sana eh di bonus na yun sa amin.”

Dagdag pa ni Toni, “Siguro mas importante sa ngayon dahil wala pang showing e pagandahin ang pelikula at sa pag presscon ng showing dun na lang kami mag-iisip.”

At dahil tatlo sa pinakamalalaking pangalan sa pelikula ang magsasama-sama sa iisang pelikula, natanong kung hindi ba nagkaroon ng pagkakataong nagkasapawan sila sa kanilang mga eksena. Ayon naman kay Toni, “I think yung maganda sa set namin kasi yung director namin si Direk Wenn mahusay siya, nakatrabaho niya na kaming lahat in separate projects. Alam niya na yung weaknesses, yung strengths naming lahat kaya nung kami pinagsama-sama kami alam na niya. Alam na niya kung paano ididistribute yung eksena, yung instructions na ibibigay, kaya wala, wala kaming ganun saka professional naman kaming lahat sa set. Si Luis very professional, si Vice kaya pag nasa set very professional na lahat kami in character, kung ano yung hinihingi ng character.”

Kaya naman kung hindi nagkasapawan, natanong kung wala bang naging problema sa billing lalo na sa kanilang dalawa ni Vice Ganda. “Ay wala naman kaming ganun, walang problema sa billing.” Pero ang natatawang sundot ni Toni sa tanong, “Sa bill, sa paycheck dun. Wala akong problema sa billing basta yung cheke, yung paycheck tama wala kaming problema sa ganun, haha.