Vice Ganda remains mum on his love life

Vice Ganda denies he's in a relationship and reveals why he prefers to keep his personal life out of the public eye.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/11/2012 8:45 AM
Vice Ganda remains mum on his love life


091112-vice_main.jpgBukas si Vice Ganda sa mga detalye ng kanyang buhay, mula sa kanyang pinagmulan, sa kanyang buhay-pamilya, sa lahat ng kanyang pinagdaanan bago niya marating kung anuman ang natatamasa niya ngayon, at pinagdadaanan sa kasalukuyan. Ngunit pagdating sa kanyang love life ay pinili niyang gawing pribado ito.

Nang matanong ng Push.com.ph si Vice sa isyu ng kumakalat niyang litrato sa mga social networking sites na may kasamang lalaki, ang sagot ng comedian/host dito, “Alam mo, nakakaloka yung mga ganyang tao na kapag nakita sa picture mag-dyowa na. E yung picture nga namin dito (Luis Manzano –kasama niya sa pinakabagong pelikula) magkayakap, nakahubad pa siya.”

Sagot naman ng isa sa mga reporter tungkol dito, alam naman kasi na magkasama sa pelikula at magkaibigan lang sila ni Luis kaya naman ang naging mabilis na pagsagot ni Vice dito, “Kaibigan ko lang din. Yung nasa picture na yan kaibigan ko lang yan. Hindi ako sinungaling. Yun na lang ang pinapanghawakan ko. Pag magsisinungaling na lang din ako, hindi ako sasagot pero pag sinagot ko totoo yung sagot ko. Hindi ko talaga dyowa yun.”

Kaya naman nang matanong kung bakit laging tikom ang bibig ni Vice pagdating sa kanyang love life, “Wala lang para mas safe ako, mas safe siya.”

Marami pa rin ang nagtataka kung may karelasyon na nga ba si Vice o wala pero ito ang makahulugan niyang sagot desisyung gawing pribado ang kanyang buhay pag-ibig, “Kahit naman artista ka o celebrity ka dapat may nire-reserve ka for yourself hindi naman kailangan ibuyanyang mo at pagpiyestahan ng mga tao ‘di ba? Bukod nga dun, kailangan ko din protektahan yung mahalagang tao sa buhay ko. Kasi ako okay lang ako na husgahan at sabihan ng kung anu-ano ng ibang tao pero yung siya, mas maganda na ako na lang.”