• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador explains why she thinks Sam Milby is being romantically linked to her

Maja Salvador explains why she thinks Sam Milby is being romantically linked to her

Maja Salvador denies that Sam Milby is the cause of her breakup with Matteo Guidicelli.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/11/2012 8:48 AM
Maja Salvador explains why she thinks Sam Milby is being romantically linked to her


091112-maja_main.jpgSa pictorial ng upcoming teleserye na Ina, Kapatid, Anak ay tinanong ang isa sa mga bida na si Maja Salvador hinggil sa isyung nagkakamabutihan na umano sila ni Sam Milby. “Nagugulat ako, di ko alam kung bakit nadadawit ang pangalan ni Sam,” bungad ng aktres. “After ng breakup namin [ni Matteo Guidicelli] dun nasasali ang pangalan ni Sam. Nakakahiya kasi nadadamay, eh never naging issue sa amin ni Matteo ‘yung kay Sam kasi wala talaga.

Inilahad din ni Maja kung ano marahil ang naging dahilan at nali-link silang dalawa ni Sam. Maaaring nagsimula raw ito noong makita silang magkasama noong concert kamakailan ni Sarah Geronimo. “Ang nangyari kasi meron kaming show [ni Sam] sa Batangas. Kaming dalawa lang ‘yung artista. Tapos meron akong five tickets for Sarah concert. Di ba ‘yun ‘yung malakas ang ulan? Ang kasama ko dapat is John Lloyd (Cruz), Ate Nenette (Demillo, handler), sabay-sabay kaming manonood. So ‘yung cousin ko and her fiancé kasama ko, tapos ako.”

Nagkataon naman daw na nagsu-shooting si John Lloyd noong dumating na ang petsa ng concert at ang kanyang handler ay binaha kaya hindi makakasama. Dahil nga magkasama sila ni Sam sa nasabing show sa Batangas ay napag-usapan nila ang tungkol sa concert ni Sarah noong gabing iyon.

Sabi ni [Sam], ‘What do you have after?’” Sumagot naman daw si Maja na manonood siya ng concert ni Sarah. Gusto rin daw panoorin ni Sam ang concert ng Pop Star Princess sa second day nito. “Sabi ko, ‘Sam, wala ka talagang alam. Second night na ngayon.’” Nagsabi na lang daw si Sam na titingnan daw niya kung makakapunta siya.

Noong on the way na raw sina Maja kasama ang dalawa pa sa concert ni Sarah ay tinawagan ng kanyang kasama si Sam upang kumpirmahin kung makakapunta ito at sinabi nitong oo.

Pagpapatuloy pa nga ni Maja, inasahan na nga raw nila na mali-link sila dahil magkasama sila sa concert. “Di pa nga alam ng mga tao na wala na kami ni Matteo no’n kaya siguro ‘yun ang sinasabing third party. Di ko naman masasabing mali ang nagsama kami sa Sarah concert kasi wala naman. Masasabi kong mali kung meron kaming something, eh. Wala talaga eh,” depensa ni Maja.

Hindi naman itinanggi ni Maja na crush niya dati si Sam at nagkasama pa nga sila sa afternoon soap opera na Impostor.

Sa tanong naman kung may posibilidad bang magka-develop-an ba sila ni Sam ang mabilis na tugon ni Maja, “Tingnan natin. Wala naman siyang paramdam eh. Kahit sino pwede.”