• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli unexpectedly reconciles with Coco Martin at the 2012 Star Magic ball

Matteo Guidicelli unexpectedly reconciles with Coco Martin at the 2012 Star Magic ball

Matteo Guidicelli is happy to be finally on good terms with Coco Martin after their controversial brawl last year.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

9/2/2012 2:27 AM
Matteo Guidicelli unexpectedly reconciles with Coco Martin at the 2012 Star Magic ball


090212-matteo_main.jpgParang pinagtagpo ng pagkakataon ang nangyaring reconciliation sa pagitan nina MatteoGuidicelli at Coco Martin sa ginanap na Star Magic ball sa Makati Shangri-la Hotel kagabi, September 1. Presentor si Matteo Guidicelli ng Standout Star Award na iginawad niya kay Coco during the program proper hosted by Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, and John Lapus. Humirita ang hosts ng “Hug namandiyan bro!” at tila sinsero naming nagyakapan sina Matteo at Coco. Sa katunayan ay pabiro pang hinalikan ni Matteo ang kamay ni Coco bilang patunay na wala ng samaan ng loob sa pagitan nilang dalawa. 
 
Sa panayam ng Push.com.ph kay Matteo right after the program, kinumpirma ng aktor ang nangyayaring pagkakaayos nila ni Coco. “Ako naman I always joke around a long long time ago pa. It’s nice to be part of Star Magic family na lahat kayo magkakaibigan, lahat magkakabonding.” Ni hindi raw siya nailang nang makita niya sa kanyang spiels ang pangalan ng dating nakaalitan. “Sabi ko pa nga nung tinawag ko yung pangalan niya, ‘my friend Coco Martin’. So walang issue.” Ano naman ang ibig sabihin ng paghalik niya sa kamay ni Coco? “Wala joke joke lang.” Dagdag pa ni Matteo, wala raw problema sa kanya kung sakaling magsama sila sa isang proyekto one of these days. 
 
Matatandaan na nasangkot sila sa isang engkwentro sa Star Magic ball last year dahil pinagselosan noon ni Matteo si Coco na leading man naman ng kanyang girlfriend na si Maja Salvador sa Minsan Lang Kita Iibigin. Kakatuwa na ngayon ay hiwalay na si Matteo at Maja. Pero ayon pa kay Matteo, maayos ang lahat sa pagitan nila ng dating nobya. Proud pa nga raw siya sa pagkapanalo ni Maja na Best Actress sa nakaraang Luna Awards. “We’re ok. I congratulated her earlier. I’m proud of all her success. She has a new show coming up...We went our different ways in a nice way.” 
 
Kung saka-sakali ay handa na ba siyang makipagdate ulit? “Not now. I’m concentrating now on my work first. I have an upcoming soap (Isla) and I am working on different indie movies right now.”