Natanong namin kay Kean kung ano ang pagkakaiba ng karakter na ginampanan niya dito kumpara sa dalawang pelikulang kanyang unang nagawa, “Kasi nakagawa na ako ng pelikula yung una yung Babae sa Septic Tank, satire naman yun tapos yung Praybeyt Benjamin comedy naman yun. Ito comedy din naman pero yung Praybeyt kasi may pagka-war movie siya, eh ‘di ba ito barkada movie so parang ang dating niya ensemble kasi apat kami.”
Sobrang excited din sa Kean sa magiging kalabasan ng pelikulang ito at nagpahayag na hindi din magiging ganito kaganda ang kakalabasan ng pelikula kung hindi din sina Enrique Gil, Enchong Dee at Xian Lim ang kanyang mga kasama. “I am sure that I am going to be proud of this, inenjoy ko yung movie. And though iba-iba yung characters namin sa movie, my character won't work if hindi rin sina Enrique, Xian and Enchong yung gumanap sa mga papel nila. And it was fun din kasi on the set, it was like we weren't working. We really enjoyed our roles.”
Ibinahagi din ni Kean na ginawa niya talaga ang mga kinailangang gawin sa pelikulang ito na hindi din naman nalalayo sa masaya at kwelang si Kean sa personal.