Xian Lim explains why he is generous with gifts to Kim Chiu

The actor admits that he introduced Kim Chiu to his mom and that the latter finds Kim beautiful.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/6/2012 12:01 AM
Xian Lim explains why he is generous with gifts to Kim Chiu


080612-xian-main.jpgSa pagsikat ni Xian Lim sa showbiz, ang kanyang ina ang laging nakaantabay sa kanya. At very vocal naman siya sa pagsasabing sobrang close sila at medyo matagal na nang magdesisyong umuwi na sa Pilipinas ang ina ng aktor para makasama ang anak. 

Dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami sa mundo ng showbiz na nililigawan ni Xian si Kim Chiu, tinanong si Xian sa The Buzz kahapon kung ikinukuwento ba niya sa kanyang ina ang pagsuyo niya kay  Kim. 

Hindi ko na kailangang sabihin, although I do tell. Sinasabi ko sa kanya lahat,” pag-amin ni Xian. “Pero di ko na kailangang sabihin ng kahit ano dahil alam niya ang nararamdaman ko towards work, towards anything.” 

Kinumpirma rin niya na naipakilala na niya si Kim sa kanyang nanay at maganda ang mga sinabi ng nanay niya tungkol kay Kim. “Sabi niya Kim Chiu’s a really nice girl, she’s beautiful, she looks amazing.” 

Ayon naman kay Kim, si Xian ay very thoughtful at madalas magbigay ng mga gifts, kagaya ng mga bulaklak. Sa interview sa kanya ni Charlene Gonzales sa The Buzz kahapon, sinabi ng host na nagkomento nga si Maja Salvador, kaibigan ni Xian, na para nga raw may-ari ng flower shop si Xian dahil laging nagbibigay ng bulaklak kay Kim.  “Yung mga regalo it’s more of showing my appreciation towards that really special person. Katulad ng pag nakita ko ang taong gano’n I’m gonna show her that I care,” reaction ni Xian dito. 

Meantime, malapit nang ipalabas ang bagong pelikula ni Xian na The Reunion kung saan makakasama niya sina Enchong Dee, Kean Cipriano at Enrique Gil.