• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador and Matteo Guidicelli admit that they broke up a month ago

Maja Salvador and Matteo Guidicelli admit that they broke up a month ago

The former couple clarify that there is no third party involved in their split.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/6/2012 12:09 AM
Maja Salvador and Matteo Guidicelli admit that they broke up a month ago


080612-maja-main.jpgNoong Biyernes, August 3 sa Kris TV ay inamin ni Maja Salvador na single na siya at wala na sila ni Matteo Guidicelli. Bago pa man ang pag-aming ito ni Maja ay malakas na ang mga bali-balitang nagkahiwalay na sila ni Matteo. 

Pero magkaibigan kami. Sobrang magkaibigan,” dagdag pa ni Maja sa interview niya sa Kris TV. “Wala namang third party. Nag-decide lang kami na i-end muna ang relationship kasi may mga priorities kaming dapat unahin, like siya ‘yung career niya at ‘yung pagiging triathlete (niya) kasi ‘yung oras mo mahahati sa lahat. Tapos ako syempre ‘yung taping namin… minsan mahirap (ang pagkikita). Di ma-balance ‘yung oras sa isat-isa."

Ibinunyag din ni Kim Chiu, na guest din sa episode na ‘yon at kaibigan ni Maja na may pagmamahal pang nararamdaman si Maja kay Matteo. Aniya pa, dumadalaw minsan si Matteo sa taping nila ni Maja sa kanilang susunod na teleserye, ang Ina, Kapatid, Anak. Sinabi naman ni Maja na tini-text kasi ni Kim si Matteo at sinasabihan na pumunta sa set. 

Pagbubunyag pa ni Kim kay Maja, “’Yun talaga ang gusto niya… effort.” 

Sa The Buzz kahapon ay isang joint statement ang inilabas ng dating magkasintahan hinggil sa kanilang paghihiwalay. “It’s been a month since we decided to end our relationship, pero mananatili kaming magkaibigan. We both pray for your patience and understanding as we both move on with our respective private and public lives.” 

Pero ano nga ba ang pinagmulan ang kanilang away?

Ayon umano sa isang write-up, isang matinding away ang nangyari sa dalawa nang ganapin ang 20th anniversary ng Star Magic sa ASAP a couple of weeks ago. Hindi umano nagpansinan ang dalawa sa nasabing event at magkaiba umano ang kanilang sinamahang mga grupo. Matindi raw ang galit ni Maja kay Matteo noon. 

Namataan ang dalawa sa premiere night ng The Healing subalit tumangging pag-usapan ang tungkol sa isyung hiwalay na umano sila noon.