• Home
  • Fresh Scoops
  • JM de Guzman on courting Jessy Mendiola: 'Feeling ko nga minadali ko, hindi pa tamang oras'

JM de Guzman on courting Jessy Mendiola: 'Feeling ko nga minadali ko, hindi pa tamang oras'

The actor says that he already loves Jessy Mendiola and will continue to do so until he gets tired.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/5/2012 11:31 PM
JM de Guzman on courting Jessy Mendiola: 'Feeling ko nga minadali ko, hindi pa tamang oras'


080612-jm-main.jpgSa pagitan nina Jessy Mendiola at JM de Guzman, mas vocal ang aktor sa pagpapahayag ng kanyang pagmamahal kay Jessy, subalit tila hindi ganito ang sentimyento ni Jessy. 

Hanggang sa ngayon ay maraming bali-balita ang naglalabasan na mag-on na ang dalawa subalit ayaw umano nilang aminin. 

Sa recent press conference ng upcoming movie na The Reunion kung saan kasama si Jessy, itinanggi ng dalaga na mag-on na sila ni JM. Nakilala na umano niya ang mga magulang ni JM subalit sa ngayon daw ay hindi pa siya handa na makipagrelasyon. 

Nakapanayam ng The Buzz eksklusibo si JM at dito ay nagsalita ang binata sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktres. 

Unang ipinahayag ni JM kung paano kalaki ang naitulong sa kanya ni Jessy. “’Yung nagawa niya sa akin bilang kaibigan parang maiko-consider kong special, eh,” simula ng aktor. Matindi raw kung magpahalaga ng kaibigan si Jessy. “Ang laki lang ng naitulong niya sa akin and without expecting anything in return. ‘Yung pagkakaintindihan namin hindi pa muna dapat (kami magkaroon ng relasyon). Mas tinamaan ako (sa kanya). Feeling ko ganun nga minadali ko, hindi pa tamang oras. Di pa dapat magseryoso pero ni-rush ko ang mga bagay. Hindi maganda ang kinalabasan ng mga bagay sa friendship namin. Sana di ko pa completely nawala ‘yung chance.” 

Dagdag pa ni JM, mayroon din siyang mga kakulangan bilang tao at malaking tulong si Jessy sa kanya upang maging maayos ang pagdadala niya sa mga sitwasyon. 

Kinlaro rin ni JM ang mga bali-balitang madalas daw umanong makita si Jessy sa condo ng aktor. “Gusto kong i-clarify na 'di po totoo. Ako po ‘yung pumupunta ng condo nila, umaakyat ng ligaw sa nanay niya.” Nag-sorry pa si JM sa ina ni Jessy sa pagkakadawit ng anak sa isyu.

Kahit pagkakaibigan lang muna ang kayang ibigay ni Jessy ngayon, hindi naman nawawalan ng pag-asa si JM kay Jessy lalo pa’t pareho lang sila ng industriyang ginagalawan. 

Inamin din ni JM na minamahal na niya si Jessy at patuloy niya itong mamahalin hanggang mapagod na siya.