• Home
  • Fresh Scoops
  • AiAi delas Alas on issue the she got married in Las Vegas: 'Tsaka ko na lang ipapaliwanag'

AiAi delas Alas on issue the she got married in Las Vegas: 'Tsaka ko na lang ipapaliwanag'

The Comedy Concert Queen relates that there are many factors as to why she could not answer if she got married in Vegas or not.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/5/2012 11:20 PM
AiAi delas Alas on issue the she got married in Las Vegas: 'Tsaka ko na lang ipapaliwanag'


080612-ai-main.jpgNaging sentimental ang anak ni AiAi delas Alas na si Sancho sa The Buzz kahapon nang mag-guest ito kasama ang Comedy Concert Queen dahil ang issue ay tumalakay tungkol sa mother-son relationship nila. Bukod pa rito, mayroon kasing development sa kaso na isinampa dati ng kampo ni AiAi laban sa security guard ng isang convenience store na nanakit kay Sancho at pinagbintangang nagnakaw. 

Pinaburan ng korte ang panig nina AiAi at may go-signal na para arestuhin ang security guard na umabuso kay Sancho na napag-alaman palang binugbog pa ang binata. 

Parang nabunutan daw ng tinik sa dibdib si AiAi dahil finally ay nagbunga ang kanilang paghihirap at mabibigyan ng hustisya ang ginawa sa kanyang anak. 

Samantala, itinanong din ni Boy Abunda kay AiAi ang mga lumalabas na balita ngayon na diumano’y nagpakasal na sa Las Vegas, USA si AiAi sa kanyang boyfriend na si Jed Alvin Salang. 

Pwede bang sumagot ako ng diumano’y no comment?” natatawang sagot ni AiAi. “Kasi nahihirapan akong sagutin yan kasi maraming factor. Tsaka ko na lang ipapaliwanag.” Pero hindi itinanggi ni Ai Ai na importante sa kanya ang kasal. 

Tinanong din ni Boy si Sancho kung ayos lang ba sa kanya na magpakasal ang kanyang ina. Sagot nito, “Ang usapan namin, kahit sino at ano pa po ‘yon, as long as happy siya, go! Tsaka importante kasi dream po talaga niya na maikasal.” 

Kahit si Boy ay sinabing may mga alam siya subalit hindi siya magsasalita pero nagbitiw siya ng makahulugang pahayag hinggil sa isyung pagpapakasal ni AiAi. “Kung meron man mangyari, dito po sa The Buzz unang ilalabas.”