• Home
  • Fresh Scoops
  • Dominic Roque is intent to prove that he deserves to be given a break

Dominic Roque is intent to prove that he deserves to be given a break

The budding actor says that he is very eager to prove himself as a credible actor.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/5/2012 12:21 AM
Dominic Roque is intent to prove that he deserves to be given a break


080512-dominic-main.jpgKahit na baguhan, magagandang feedback na ang nakukuha ni Dominic Roque dahil sa kanyang role bilang Hubert sa teleseryeng Aryana. Ang kanyang role ay ang isa sa dalawang love interest ni Aryana at ang isa pang leading man ay si Paul Salas. 

Masaya naman ni Dominic na maganda ang mga komento sa kanya at sana nga raw ay magtuluy-tuloy ang swerteng dumarating sa kanya pagdating sa showbiz career. 

Gagalingan ko na lang palagi. Sobrang focus (dapat) sa work, sabi ni Direk  Erik (Salud),” pagbabahagi ng new actor hinggil sa advice sa kanya ng direktor ng teleserye. 

Kuwento pa niya hindi raw niya naisip na ganito kainit ang resepsyon sa kanya ng mga tao.

Hind ko po in-expect ang ganito, sobrang biglaan nga, tapos nagulat din ako na tinatanggap ako ng tao na maganda naman ang reaksyon nila. "

Samantala, enjoy naman daw ang buong cast ng Aryana sa kanilang set. Pagkukuwento pa ni Dominic, “Sobrang saya, ang sarap pong katrabaho ng mga kasama namin tapos enjoy-enjoy lang, focus sa work (ang) kailangan.

Dagdag pa niya, sa tuwing break daw ay lagi silang nagkukulitan kaya naman pakiramdam nila ay hindi iyon trabaho.

Pamangkin ni Beth Tamayo si Dominic pero paglilinaw niya hindi siya gumamit ng impluwensya ng mga kakilala niyang artista, bagkus pinagpaguran umano niya ito. Ilan pa malalapit na showbiz friends ni Dom ay si Judy Ann Santos at ang asawa nitong si Ryan Agoncillo.

Aniya pa, iniwasan niyang itaguyod ang sarili at wag masyadong umasa sa mga kaibigan.

Hindi naman po siguro. “Naiisip ko ang pangit naman ng ganon na gagamitin ko ang mga kamag-anak para magkaroon ako ng pangalan or gamitin ko ang pangalan ni Tita Juday sa mga shows niya. Parang ang pangit tingnan na tuwing may show siya kasama ako, parang package deal,” lahad niya.