• Home
  • Fresh Scoops
  • Bangs Garcia reacts on Kean Cipriano's open admiration for her

Bangs Garcia reacts on Kean Cipriano's open admiration for her

Bangs Garcia says she is entertaining suitors at the moment.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/5/2012 12:18 AM
Bangs Garcia reacts on Kean Cipriano's open admiration for her


080512-bangs-main.jpgSa pinakabagong barkada movie ng Star Cinema na The Reunion, kung saan isa sa mga leading ladies nito ay si Bangs Garcia, natanong namin na baka sa wholesome image niya sa pelikulang ito hindi ba magkaroon ng confusion sa kanyang mga fans at audience dahil nakikilala na siya bilang sexy actress. “Actually ang goal ko talaga ay maging versatile aktres e. And as of now at currently airing yung Kung Ako’y Iiwan Mo at meron akong LUV U na show so medyo nababalanse ko siya and I am very happy to know na very open minded na yung mga audience natin ngayon at naseseparate na nila yung characters ko sa TV at sa movies.” At para sa kanya ang ilan sa mga kissing scenes niya sa The Reunion ay may tatak Bangs Garcia na sexy pa din. “Nababalanse ko siya. Hindi naman po ako agad tumatanggap ng kissing scene na basta-basta. Alam ko naman po na talagang maganda yung storya at kung makakadagdag sa ganda ng storya tinatanggap ko naman yun.
 
At sa ginanap na press conference para sa pelikulang The Reunion nagsaad ng damdamin si Kean Cipriano sa dalaga na kung maari ba daw siyang ibigin, ang matipid ngunit makabuluhang sagot ni Bangs, “Masasabi ko lang walang imposible.” So pwede nga ba manligaw si Kean at single siya ngayon? “I am entertaining,” ang short but diretsong sagot ng aktres.“Pwede naman, everything is possible and there is time for everything.”
 
Ano nga ba ang mga nagustuhan ni Bangs habang magkasama sila ni Kean sa shooting ng pelikula? “Yung sense of humor niya he is really smart and no dull moments with him at sobrang click nung personality namin. Saka pareho kaming may artistic side kung siya sa music, ako sa painting and we both act so we share something in common na we have something na pwede naming i-share sa isa’t isa na pwede naming matutunan.
 
Pero hindi ba parang malayo ito sa mga stereotypical na gusto ng isang katulad ni Bangs Garcia? “Honestly wala po akong ideal man, ang sa akin lang po God fearing, matalino, I can learn something from him kasi I am very very talkative e and gusto kong nakaka-cope up siya sa conversation.”
 
Naging maintriga din ang sagot ng dalaga nang matanong kung ang mga characteristics ba ito na kanyang nabanggit ay nakikita niya kay Kean. “Yes po kasi no dull moments with him.”