At sa ginanap na press conference para sa pelikulang The Reunion nagsaad ng damdamin si Kean Cipriano sa dalaga na kung maari ba daw siyang ibigin, ang matipid ngunit makabuluhang sagot ni Bangs, “Masasabi ko lang walang imposible.” So pwede nga ba manligaw si Kean at single siya ngayon? “I am entertaining,” ang short but diretsong sagot ng aktres.“Pwede naman, everything is possible and there is time for everything.”
Ano nga ba ang mga nagustuhan ni Bangs habang magkasama sila ni Kean sa shooting ng pelikula? “Yung sense of humor niya he is really smart and no dull moments with him at sobrang click nung personality namin. Saka pareho kaming may artistic side kung siya sa music, ako sa painting and we both act so we share something in common na we have something na pwede naming i-share sa isa’t isa na pwede naming matutunan.”
Pero hindi ba parang malayo ito sa mga stereotypical na gusto ng isang katulad ni Bangs Garcia? “Honestly wala po akong ideal man, ang sa akin lang po God fearing, matalino, I can learn something from him kasi I am very very talkative e and gusto kong nakaka-cope up siya sa conversation.”
Naging maintriga din ang sagot ng dalaga nang matanong kung ang mga characteristics ba ito na kanyang nabanggit ay nakikita niya kay Kean. “Yes po kasi no dull moments with him.”