• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil is confident he has what it takes to be an actor

Enrique Gil is confident he has what it takes to be an actor

Enrique believes his current TV project 'Princess and I' and movies 'The Reunion' and 'Amorosa' prove that he is a versatile actor.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/31/2012 8:50 PM
Enrique Gil is confident he has what it takes to be an actor


090112-enrique-main.jpgHindi na nga maikakailang si Enrique Gil na ang isa sa mga most in-demand na aktor ng kanyang henerasyon. Matapos tayong pakiligin at patawanin sa The Reunion ngayon namin ay isa na siya sa mga mananakot sa pinakabagong pelikula ng Skylight Films at ng Star Cinema, ang Amorosa: The Revenge

Sa kaliwa’t kanang mga proyekto, shooting at tapings ni Enrique, na napapanood po gabi-gabi sa Princess and I at Linggo sa ASAP 2012, natanong namin ang binata kung paano niya nagagawa ang lahat ng ito. “Hindi ko alam e. I don’t know siguro you are excited that another project ang mapapanood mo, that is the only thing that pushes you. I don’t know what keeps us going basta yun Amorosa I am done, sana maging hit. It’s good kasi yung roles kasi na I want to do are the roles I haven’t done before and I love horror movies kaya nagawa ko na, at yung next, Strangers naman horror but in a different way. Ibang-iba siya, you have to watch it. Action yun e, parang action yun. You’ll see me in a different way na horror. Basta, basta, its exciting it keeps me work harder and faster.”

Ngunit sa sobrang busy ni Enrique at sa dami ng kanyang ginagawa hindi naman ikinakaila ng heartthrob na sa tuwing nakakaramdam siya ng pagod sa araw-araw na trabaho ay ipinagdadasal niya na kung hindi man siya mabigyan ng maraming oras para makapagpahinga at magbakasyon, bigyan na lamang siya ng lakas na ipagpatuloy ang kanyang mga proyekto. Dagdag pa niya, “Kasi you don’t want to wish away work, you don’t want to pray na wala kang work, you pray lang na may break ka, kahit isang araw lang na break pero siguro dahil sobrang busy ito yung regalo ni Lord sa iyo na mas maganda para sa iyo, and you’ll get it rin naman.”

Ang tinatamasang kasikatan at dami ng proyekto ngayon ni Enrique ay dumating din sa paraang hindi madali para sa aktor. Noong nagsisimula siya, saksi ang halos lahat sa mga taong nagdududa sa kanyang kakayahan at kumekwestiyon sa mga magagandang bagay na nangyayari sa kanya tulad na lang ng pagho-host niya sa dating youth-oriented show na Shout Out! “That is also the reason na dire-diretso and you don’t complain kasi parang dati dino-doubt ka tapos ngayon binibigay na sa iyo lahat magcocomplain ka pa ba? Hindi e, be happy and as I always say you have to do your job basta ibigay sa akin gagawin ko yung trabaho. Kung magustuhan nila, magustuhan nila ganun lang ako so if they give me work I just give them work and kung maganda yung trabaho mo it will show naman e so sana makita nila,” pagpapaliwanag pa ng teen star. 

Dagdag pa ni Enrique, pinaghirapan niya ang bawat role na kanyang tinanggap at hindi ito basta-basta lang ibinibigay sa kanya. “They have to watch Amorosa, I am sure they will, I am sure sasabihin nila, ‘Aktor ito!’ Hindi ito pinagbigyan lang or just handed the role to him, they gave it because they entrust their work to me, to us, they don’t want to compromise the movie kung yung artista hindi maibibigay yung hinahanap nila.”