• Home
  • Fresh Scoops
  • Empress answers issues about the simultaneous showing of her two horror films

Empress answers issues about the simultaneous showing of her two horror films

Empress admits that she felt a little bothered with the simultaneous release of her two horror films, but says that she is just doing her job.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/31/2012 8:12 AM
Empress answers issues about the simultaneous showing of her two horror films


083112-empress_main.jpgSa ekslusibong panayam ng Push.com.ph sa isa sa mga cast ng Amorosa: The Revenge na si Empress, napag-usapan ang sabay na paglabas ng kanyang pelikula na parehong horror ang tema. Nakaramdam ba siya ng tensiyon sa maaring pagkumpara sa kanyang pagganap sa dalawang pelikula? “Hindi naman. Actually lately ko na din nafeel yung tension na sabay sa isang linggo, as in literal na magkasabay talaga sila kaya yung tensyon sa makabilang management dun ko talaga naramdaman na parang hindi ko alam kung mahihiya ba ako. Hindi ko po talaga alam. Basta ang sa akin po yun ang sinabi ng manager ko, yung yung sinabi na gawin ko at ito daw yung work ko ngayon so ako naman bilang artista ginagawa ko lang kung ano talaga yung sinasabi sa akin.”

Dagdag pa ni Empress sa isyung ito, “Basta ako pag gumagawa ako ng work ko binibigay ko naman yung best ko. Pero yun nga lang, magkakaiba yung character, yung work na binibigay so siguro wala na sa akin yun as long as binigay ko yung kaya ko, yung best ko. Yun yung importante saka hindi naman ako bida dun sa dalawang pelikula kaya mas konti yung tensyon sa akin.”

Pero inamin naman ni Empress na nakaramdam siya ng kaunting pagkabagabag sa sabay na pagpapalabas ng kanyang dalawang horror films. “Simula nung nagreact lang yung mga tao, yung twitter, yung Facebook, yung mga fans na wow, dalawang horror na dun ko lang narealize na dalawang horror. Saka nung sinabi naman sa akin hindi ko naman alam na sabay sila. Kaya sa akin walang malisya talaga sa utak ko na, ako go lang ng go na work lang ng work. Kaya siguro ako wala naman akong kinalaman dun kasi wala naman po ako sa decision making na ginawa nila. Saka siguro naman aware sila na pag kinuha nila ako ano yung magiging conflict kaya aware naman siguro sila.

Sa dami na rin ng ginawang pelikula at programa sa telebisyon ni Empress, natanong ng Push kung sa ngayon kung ano ang mas gusto niya ang paggawa ng pelikula o telebisyon. “Actually right now sobrang nageenjoy ako na after ng teleserye namin na naextend siya na maganda yung pinagsamahan naming. Ang tagal niyang umere, ang tagal namin nagtataping. Tapos after nun biglaan akong gumagawa ng three movies kasi yung isa ipapalabas ng January e so nasisiyahan ako na after ng mahabang serye magmomovie ako.

Ngunit hirap din pumili si Empress kung saan larangan niya mas gusto. Kaya naman, “Masaya ako na binibigyan ako ng ganyang trabaho pero ngayon ineenjoy ko siya na yung thought na marami akong ginagawa. Yun yung ineenjoy ko pero ang isang narealize ko sa paggawa ng movie sobrang short na nakakamiss yung mga tao. Pero hindi ko masabi kung ano ang gusto ko e, pero mas madalaing nakakapagod pag taping. Dun naman ang haba ng oras mo saka alam mong matagal pa kayo matatapos kaya parang ang haba ng oras mo. Pero pag movie naman parang hindi ako makapaniwala na pag pinanood ko tapos na ba talaga? Ngayon mas ineenjoy ko lang yung moment yung flow ng shooting, taping, promo.”

Napag-usapan din ang dami ng mga roles sa pelikula at telebisyon na naggawa ni Empress, at nabanggit niya ang dalawa sa pinakapangarap niyang gampanan na roles. “Una gusto ko makaggawa ng action na tulad ni Angelina Jolie yung mga ganyan, yung sobrang bumabaril na sexy na may kalove team siya. Tapos yung isa naman gutso ko maka-remake ng Koreanovela kasi sobrang fan ako niyan so iniisip ko nga na kung si Jandy (from Boys Over Flowers) sobrang pasweet lang na mamamatay ka sa kilig na simple lang ang ginagawa nila ang sarap lang gumawa ng ganun.”