Venus Raj thrilled over first movie project

The former beauty queen is venturing into acting full blast.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

8/30/2012 2:19 PM
Venus Raj thrilled over first movie project


083012-venus_main.jpgTuluyan nang pinasok ni Venus Raj ang acting nang gawin niya ang kanyang kauna-unahang pelikula.

Kasama si Venus sa horror film na Pridyider kung saan makakasama din niya si Baron Geisler at Kahit Puso'y Masugatan star Andi Eigenmann.

"First time ko pong umarte on the big screen kasi 'yung 'Maalaala Mo Kaya' nauna na sa television. Ito 'yung unang unang acting stint ko. Actually noong una hindi ako sanay at hindi ko alam ang kalalabasan," ani Venus sa panayam ng media.

Pag-amin ni Venus, maliban sa mga matulungin niyang co-stars at direktor, hindi siya nahirapan sa kanyang unang pagganap sa pelikula dahil hindi malayo sa totoo niyang pagkatao ang character ni "Celine."

"Alam mo hindi talaga, hindi masyadong malayo, kaya hindi masyadong nahirapan. Pero since it's first time nandoon pa din 'yung hirap," sabi ng beauty queen.

Bago pa man ang paggawa ng pelikula unang sumabak sa pag-arte si Venus  nang ibinahagi niya ang kanyang buhay sa Maalaala Mo Kaya.

Matatandang ang Pridyider ay isa sa episodes ng naunang Shake, Rattle & Roll na pinagbidahan noon ni Janice de Belen, na makakasama pa din ni Venus sa bagong version ng pelikula.