• Home
  • Fresh Scoops
  • The singer says he and the actress became 'official' last July.

Richard Poon confirms relationship with Maricar Reyes

The singer says he and the actress became 'official' last July.

BY
Mika Esperanza

FRESH SCOOPS

08/30/2012 02:26 PM
Richard Poon confirms relationship with Maricar Reyes
083012-richardmaricar_main.jpgUmamin na sa wakas ang singer na si Richard Poon sa tunay na estado ng relasyon niya sa aktres na si Maricar Reyes.

Ani Richard, totoong magkasintahan na sila ni Maricar na nakilala niya noong gawin nila ang music video ng awitin niyang "You and I."

"Oo just last July,"  ani Richard sa guesting nito sa "KrisTV" nitong Martes.

Kung bibilangin halos dalawang taon din nagpursige si Richard para makuha ang pag-ibig ni Maricar.

Matatandaang noong Oktubre 2010 nang aminin ni Richard ang panliligaw sa aktres.

Ani Richard, si Maricar din ang unang babaeng niligawan niya sa showbiz at naniniwala siyang kasagutan sa kanyang panalangin ang dalaga.

Ipinangako din ni Richard na po-protektahan si Maricar na dumaan sa matinding dagok sa kanyang buhay.