Maja Salvador admits break up with Matteo Guidicelli

The actress reveals on KrisTV that she's single and that she and Matteo remain friends.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

8/3/2012 3:12 PM
Maja Salvador admits break up with Matteo Guidicelli


080312-maja-main.jpgInamin na sa wakas ang aktres na si Maja Salvador na tuluyan na nga niyang tinuldukan ang relasyon nila ni Matteo Guidicelli.

Sa guesting nito sa "KrisTV" nitong Biyernes ng umaga, inamin ni Maja na balik siya sa pagiging single pero giit niyang magkaibigan pa din sila ni Matteo.

"Single... pero magkaibigan kami. Sobrang magkaibigan," ani Maja.

Giit ni Maja, walang ibang taong sangkot o dahilan sa kanilang paghihiwalay.

"Kasi wala namang third party, parang nag-decide lang kami na i-end muna ang relationship kasi may priorities kaming dapat unahin. Like siya, yung career niya at pagiging triathlete niya. Siyempre 'yung oras mo sobrang mahahati sa lahat tapos ako din naman sa trabaho. 'Yung taping namin, so minsan mahirap 'yung hindi laging nagkikita hindi ma-balance 'yung oras sa isa't isa," ani Maja na ngayon ay busy sa taping ng "Ina, Anak at Kapatid."

Ilang linggo lamang ang nakakaraan nang maglabasan ang mga balitang hiwalay na si Maja at Matteo dahil na din sa sunod-sunod na tweets ni Maja tungkol sa breakup.

080312-majatweet.jpg

Sa panayam, sinabi ni Maja na hirap si Matteo sa kanyang bagong gawain bilang aktor at triathlete.

"Oo, mahirap talaga. At saka mahirap talaga ang schedule niya. Kasi parang 5 a.m. gigising siya tapos magte-training siya. Tapos mayroon pa siyang ibang trabaho ganyan. Tapos kunwari magse-set kami dinner, hindi na niya kakayanin kasi sobrang pagod na siya. He needs to sleep again kasi he will wake up at 5a.m.," paliwanag ni Maja.