JM De Guzman admits he's in love with Jessy Mendiola

The 'Angelito' star reveals he has a deep connection with the actress.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

8/3/2012 12:49 PM
JM De Guzman admits he's in love with Jessy Mendiola


080312-jm_main.jpgNahihiya man napaamin din si JM de Guzman na mahal niya ang aktres na si Jessy Mendiola na matagal na ngang nali-link sa kanya.

Nito lamang Huwebes sa "KrisTV,"  inihayag na ni JM ang tunay na nararamdaman kay Jessy.

"Siguro mayroong mga pagkakaintindihan na alam mo 'yon, mahal mo siya, mahal ka niya," paliwanag ni JM nang matanong kung bakit magkaiba sila ng pahayag ni Jessy tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa ibang panayam sinabi ni Jessy na "special friend" lang sila JM, samantalang para sa aktor ay malalim na ang kanilang relasyon.

Aminado naman si JM  na hindi niya direktang masasagot kung mahal na ba siya ni Jessy.

Pero para sa kanya, importante na alam niya sa sarili na mahal na niya ang dalaga at hindi kailanman siya hihingi ng kapalit.

"Wala naman akong hinihiling kapalit. If ever na ayaw ng Diyos na siya ang babae o hindi talaga (para sa akin), matatanggap ko pa din. Basta masasabi ko lang ay napakabuti niyang tao, napakaganda niya sa loob at sa labas. Hindi ko alam kung paano ako tinamaan."

Sa ngayon ay busy si Jessy sa inaabangang serye na "Isla" samantalang si JM ay busy sa bagong libro ng "Angelito."