Jessy Mendiola reacts on JM de Guzman's love confession

The actress is still overwhelmed by JM's confession of his feeling for her on Kris TV.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/4/2012 12:26 AM
Jessy Mendiola reacts on JM de Guzman's love confession


080412-jessy-main.jpgSa presson ng pinakabagong pelikula na The Reunion kung saan isa si Jessy Mendiola sa mga leading ladies ng pelikula, nakuhanan ng Push.com.ph ang kanyang reaksiyon sa mga interviews ni JM de Guzman kamakailan, isa na nga ay ang sa Kris TV, kung saan nagsasaad siya ng kanyang pagmamahal sa dalaga at kasiyahan tuwing kasama at nakikita si Jessy. Ayon sa kanya, “Talaga? Bakita hindi niya sinasabi sa akin yun, bakit bigla na lang merong ganito? Nagulat talaga ako, that is so nice of him and very brave of him to say that sa lahat ng tao.” 

Hindi maikakaila ang ngiti ni Jessy sa tuwing sinasagot niya ang tanong ukol kay JM kaya naman nang matanong kung talaga bang nanliligaw ang binata sa kanya, ang agad niyang sagot, “Siguro para sa akin clear enough na nagsasalita na siya sa lahat ng tao ngayon pero I didn’t know na ganun ang sinasabi niya sa press nagugulat lang ako na may mga questions na ganun.” 

Nagkwento din si Jessy na matagal na rin naman silang magkakilala ni JM bago pa man ang lahat ng atensyong ito sa kanilang dalawa, “No, I have known him for a very long time after I did Sabel and naging close na kami, naging barkada ko na siya.”

Inamin nga ni Jessy na nagugulat siya na ngayon ay napaka-vocal ng pagpapahiwatig ng pagmamahal ni JM sa kanya, “Oo nga e ako din nagulat ako e so parang nakakatuwa nga na nung sa Sportsfest habang nagkukwentuhan yun din ang mga tanong sa akin e parang ano ba ang nangyari, may nangyari ba?

Marami din ang kumakalat na mga balitang matagal na rin silang magkarelasyon, ang iba namang mga balita ang sinasabi ay nag-break na sila kaya naman nilinaw din ito ni Jessy. “For a time kasi din kasi di na kami nagkikita masyado so wala kaming communication so ewan ko kung saan nanggagaling ang mga balitang yan.”

Sa mga nakakatunaw at nakakakilig na mga paglalahad ni JM sa kanya, marami ang nagtataka kung bakit hindi pa sagutin ni Jessy si JM, bilang pareho naman silang single, pero ayon sa dalaga, “Siguro yung right time kasi I am picking up a lot of write-ups about him speaking about his feelings. I feel very flattered na galing yun sa kanya na yun ang sabi niya.” At sa tanong kung may pag-asa ba si JM sa kanyang panliligaw, “Well right now ayoko naman na pangunahan, mabait siyang tao at para sa akin mas maganda kung ano yung meron kami ngayon, magkaibigan man, as a suitor, siguro I like to keep him that way because right now my priority is my work.” 

At sa lahat ng atensiyong inilalaan ni JM kay Jessy, gaano rin ba ka-espesyal si JM sa kanya? “He is a special person not just for me but for his friends and the people around him. He is really full, If I would describe him I would describe him as passionate.” Dagdag pa ng dalaga tungkol kay JM, “Ano siya intense e kaya mapusok siya sa mga sinasabi niya and I think he is a very honest person.”