• Home
  • Fresh Scoops
  • JM de Guzman wants to take things slowly when it comes to love

JM de Guzman wants to take things slowly when it comes to love

JM de Guzman feels happy about Jessy Mendiola's appreciation of his declaration of love for her.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/29/2012 8:25 AM
JM de Guzman wants to take things slowly when it comes to love


082912-jm_main.jpgHindi pa raw nakakausap nang masinsinan ni JM de Guzman si Jessy Mendiola mula noong magkaroon sila ng misunderstanding. Matatandaang ikinagulat ni Jessy ang ginawang pag-amin ni JM on national TV na nagmamahalan silang dalawa, dahil wala umanong pasintabi si JM kay Jessy nang umamin siya sa Kris TV. Ani JM hindi pa raw sila nakakapag-usap ni Jessy dahil masyado kasing abala ang kanyang schedule ngayon.

Nang direkta siyang tanungin kung balak ba niyang makipag-ayos kay Jessy at ligawan itong muli, ang sagot ng aktor, “Hindi ko pa naiiisip sa ngayon, mas pokus muna ako sa trabaho.”

Ngayon daw ay mas pinipili niyang ituon na muna ang kanyang pansin sa career at isantabi ang love life. “Siyempre minsan lang po dumating ito, [at ito] ang priority ko for my family, for myself,” paliwanag ni JM.

Nang kunin ang kanyang reaksyon hinggil sa sinabi ni Jessy na naa-appreciate naman ng dalaga ang pag-amin ng aktor sa kanyang nararamdaman para sa kanya, ang tugon ni JM, “Masaya, kasi totoo naman kasi ‘yung mga sinabi ko. Sincere naman and kung naa-appreciate niya, masarap sa pakiramdam.”

Nang muli siyang tanungin kung mas ginanahan ba siya na lalong mag-effort na makipag-ayos kay Jessy matapos ang pag-amin ng dalaga, ang makahulugang tugon ni JM, “Kinakausap ko naman siya, pero hanggang dun muna.

Hiningi rin ang reaksyon ni JM sa sinabi ni Jessy na willing siyang bigyan ng second chance si JM dahil mabait naman ito. “Eh siguro mas maganda po na take things slowly. Bata pa naman, di naman seryosohan,” aniya. Tumango lang si JM nang itanong sa kanya kung andoon pa rin ang feelings niya for Jessy.

Samantala, masaya naman si JM sa magandang feedback sa kanyang afternoon teleserye na Angelito: Ang Bagong Yugto. “Overwhelming po at masaya na makita na nakakapagpasaya kami ng tao,” sambit niya nang nakangiti. “Maraming salamat po sa mga sumuporta sa Angelito: Ang Bagong Yugto. Maraming-maraming salamat sa [mga] sumuporta at nagmahal.