• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Aquino shares what she went through during her early years

Angel Aquino shares what she went through during her early years

Angel Aquino reveals what she had to go through during her childhood years dealing with her abusive father, getting pregnant at an early age, and the acceptance of probably not getting married.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/29/2012 8:19 AM
Angel Aquino shares what she went through during her early years


082912-angel_main.jpgSa naging panayam ni Joey Marquez sa bida ng Amorosa: The Revenge na si Angel Aquino, binuksan nito ang buhay niya sa unang pagkakataon sa Showbiz Inside Report.

Maraming mga napag-usapan tungkol sa pribadong buhay ni Angel Aquino ang ibinahagi niya. Isa dito ay silang mga magkakapatid at ang kanyang ina ay pangalawang pamila ng kanyang ama. Lahad niya tungkol dito, “I think we grew up in a community na walang masyadong weight in those things. Hindi ko masyadong ininda nung nalaman ko na hindi pala kasal sina Nanay at si Tatay tapos pangalawa pala kaming family niya. Para sa akin pamilya naman kami.”

Isang rebelasyon din ang inilahad ni Angel tungkol sa kanyang kinamulatan, “Lumaki kaming nakikita namin na nasasaktan si Nanay hindi lang emotionally pero physically also. Every time nangyayari yun malaking kaguluhan talaga sa bahay, umiiyak kami lahat, nagpapanic kaming lahat. Hindi namin alam kung paano tutulungan si Nanay kapag aftermath ng away nila, she really looks beaten up talaga.”

Ngunit sa likod ng mga pangyayaring ito, inamin ni Angel na hindi niya makuhang magalit sa kanyang Ama, “Yun ang isang bagay na hindi ko maipaliwanag hanggang ngayon, kung bakit hindi ko makuhang magalit sa Tatay ko, siguro kasi sobra siyang bumabawi sa amin.”

Pero sa lahat ng nangyaring ito kay Angel, hindi siya natakot sumugal sa kanyang emosyon at magmahal. Sa edad na 19 years old, ipinangank niya ang kanyang panganay. “Because of that incident nagpakasal ako (second boyfriend ko nun). Napag-usapan namin na better siguro para sa bata na magpakasal kami.” Hanggang sa nasundan pa ito pero kalauna’y hindi rin naging maganda ang kinahinatnan ng kanilang relasyon at dito niya sinimulang yakapin ang pagiging single parent.

At ang naging pag-amin ni Angel sa pinagdaraanan niyang ito, “Siguro ang pinaka-challenge ang would be financially kasi ikaw lang talaga yung nagtaguyod but emotionally and physically it wasn’t so hard kasi nandiyan yung Nanay ko. Hindi niya ako iniwanan ever since I had my first child at lalung-lalo na yung nakahiwalay kami nung Tatay nila.”

Nagkaroon man ng dalawa pang mga karelasyon si Angel na tumagal din ng maraming taon, ibinahagi niya ang masasabi niyang rason kung bakit nagkahiwalay din sila ng mga ito, “Siguro being a single mom and marami akong kasama sa bahay, nahihirapan sila kasi they were single men.”

At sa posibilidad na ikasal siyang muli, “Pwedeng hindi na, o kumbaga okay lang sa akin kahit hindi. At the end of the day I realized love is not just romance and you know getting swept off your feet everyday hindi yun e. It’s sleeping comfortable at night with someone beside you and feeling secured that the person will have the faithfulness and the commitment.”

Sa lahat ng mga nasaksihan at nangyari mula sa pagkabata ni Angel, ang kanyang hiling, ang mamana sa kanyang ina ang tatag at pagpupursige sa buhay. “I wish kahit a little bit of that strength and drive and yung power that she has with her sana man lang makuha ko.” Ngunit pinakahiling niya sa lahat, “I just want to see them off, my two daughters then after that I can live my own life. I would like to travel more and hopefully with someone that I enjoy the company of.”

Watch Showbiz Inside Report every Saturday 2:30 PM after It’s Showtime.