• Home
  • Fresh Scoops
  • Bangs Garcia on possible romance with Kean Cipriano: 'Pwede, pwede'

Bangs Garcia on possible romance with Kean Cipriano: 'Pwede, pwede'

Even off camera, Bangs Garcia and Kean Cipriano are undeniably sweet towards each other.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/28/2012 9:18 AM
Bangs Garcia on possible romance with Kean Cipriano: 'Pwede, pwede'


082812-bangs-main.jpgLast Sunday, August 26, ay nagkaroon ng Kapamilya Gold Grand Fans Day sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound, Quezon City bilang pasasalamat sa mga loyal fans ng mga teleseryeng panghapon ng ABS-CBN na kinabibilangan ng Angelito: Ang Bagong Yugto, Kung Ako’y Iiwan Mo, at Pintada.

Kasama si Bangs Garcia sa teleseryeng Kung Ako’y Iiwan Mo na pinangungunahan din nina Shaina Magdayao at Jake Cuenca. Dahil sa ganda ng soap opera dalawang beses nang na-extend ito at aabot pa raw hanggang Nobyembre.

“[It’s] doing very good. Actually, pinapahaba pa nila ‘yung story na ‘yon, kaya dinadagdagan pa nila ng characters,” kwento ni Bangs nang makapanayam siya during the event. Kamakailan ay nadagdag na si Diane Medina at ayon pa kay Bangs, may isa ring ipapasok na aktor, pero ayaw niyang sabihin kung sino.

Kahit nga raw ang kanyang karakter ay magkakaroon ng twist. “Ipinakita na sa preview ‘yung mag-iibang anyo si Mia,” ani Bangs hinggil sa kanyang role.  
Samantala, may isa pang rason para maging masaya si Bangs dahil maganda ang naging turnout ng kanilang pelikulang The Reunion na two weeks nang blockbuster sa takilya.

Dahil sa ganda ng chemistry nila ng kanyang leading man doon na si Kean Cipriano ay marami na ang nagtatanong kung hindi kaya sila magka-develop-an. Kahit kasi off-cam ay makikita na sobrang sweet ng dalawa. “Hindi siya nanliligaw talaga eh. Puro pa-cute lang,” natatawang pahayag ng aktres.

Nang tanungin siya kung hindi kaya mauwi sa totohanan ang kanilang closeness, ang malamang sagot ni Bangs, “Hindi ko alam pwede, pwede. Sabi nga niya timing [ang importante].” Inamin din ni Bangs na may komunikasyon pa sila ni Kean at nagkikita rin.

Sa pagkakaalam ng marami ay may boyfriend si Bangs kaya naman nang tinanong ng Push.com.ph kung hindi ba magagalit ang boyfriend niya ay iniwasan niya ang aming tanong at natawa na lang.

Samantala, taos-puso naman ang pasasalamat ni Bangs sa lahat ng mga sumusubaybay sa Kung Ako’y Iiwan Mo sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.