Shaina Magdayao: 'I'm just looking forward to a new Shaina'

The actress says that she is happy and content with how things are going on in her life now.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/26/2012 11:24 PM
Shaina Magdayao: 'I'm just looking forward to a new Shaina'


082712-shaina-main.jpgWalang bakas ng bitterness si Shaina Magdayao sa kabila ng mga lumalabas na isyung may bago nang girlfriend ngayon ang kanyang dating boyfriend na si John Lloyd Cruz sa katauhan ni Angelica Panganiban. “I’m very happy with all the blessings that I’m receiving; my work, our show is doing so well. At the same time I’m very blessed to have good friends and good family, very very supportive. Siguro I’m just looking forward to a new Shaina, a lot wiser,” pahayag ng aktres.  

Pagpapatuloy niya, “I’m learning so much about life. I’m looking forward to becoming wiser pa, more experienced (and) siyempre gusto ko lahat ng natututunan ko sa buhay ko ngayon I’ll keep (them), I’ll learn from (them) talaga. I’ll treasure (them) and (I am) moving on with my life, with my new life.”  

Naging maingay ang paghihiwalay nila ni John Lloyd noon pero sa kabila nito ay nanatiling tahimik sila ng aktor sa kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Pero sa lahat ng ito, masaya lang ang aktres na marami siyang natutunan sa lahat ng kanyang karanasan. “Sobrang dami kong natutunan with everything that’s happened. One thing’s for sure -- sa dami ng pinagdaanan ko, I always pray and I always say that I’m never bitter about life. I always believe in God’s purpose. Ano pa ba ang mahihiling ko? Natutuwa ako kasi maraming nakaka-appreciate sa akin, so wala na siguro akong mahihiling at this point in time.”