• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo reveals why she agreed to do daring scenes in 'The Mistress'

Bea Alonzo reveals why she agreed to do daring scenes in 'The Mistress'

The actress relates she wants to do roles that will push her to her limits.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/26/2012 11:15 PM
Bea Alonzo reveals why she agreed to do daring scenes in 'The Mistress'


082712-bea-main.jpgInamin ni Bea Alonzo na ang role niya sa The Mistress ay ang kanyang most daring role yet. Nang tanungin siya sa The Buzz nitong Linggo kung paano siya napapayag na magpaka-daring, ang sagot ng aktres, “Siguro tama ang sinasabi nila Inang (tawag kay Direk Olivia Lamasan), at some point, every actress would feel na mayroon na siyang hunger or thirst for a more challenging role. And para sa akin, ito ‘yung perfect venue para ma-explore ko ‘yung next level ng career ko. Sobrang ganda ng storya, sobrang galing ng staff ng director, plus John Lloyd (Cruz) pa, so parang wala nang iba pang pelikula na pwede kong i-explore (for a) more mature character.”  

Ang muling pagsasamang ito nina John Lloyd at Bea ay nagsisilbi ring 10th anniversary nila bilang magkapareha sa TV at pelikula since they first teamed up in the teleserye Kaytagal Kang Hinintay noong 2002. 

Anang aktres, sobra rin talaga niyang na-miss ang aktor. “Sino bang hindi? Sobrang nakaka-miss naman si John Lloyd.” Ang higit daw niyang na-miss sa aktor ay ang pang-aasar nito sa kanya. “Siya lang ang nakakaasar sa akin ng ganyan. Nakakatuwa siya kasi ganun talaga kami mag-asaran. Wala nang makakaasar sa akin ng ganon kundi siya at siya lang ang may lisensya para makagawa sa akin ng ganoon,” dugtong niya.  

Hindi rin itinatanggi ni Bea na there was a time in their lives na muntik nang mahulog ang loob niya kay John Lloyd. “Bata kami, may kilig-kiligan dyan. Hindi mo ma-define ‘yan (o) kung ano ‘yon kasi kinikilig ka, kasi lahat ng tao gusto kayo. Kinikilig ako, kahit sino’ng babae kaya niyang paibigin, kahit hindi babae kaya niyang paibigin,” pagbibiro ni Bea. Gayunpaman, hindi talaga nauwi sa seryosohan ang naramdaman nilang iyon. Ayon kay Bea, hindi niya maipaliwanag kung ano ang nangyari at kung bakit hindi sila nagkatuluyan pero sadya talagang hindi sila para sa isa’t isa.  

Sa pelikulang The Mistress, sinabi ni Bea na sa pelikulang ito ang pinakamagandang working relationship nila ni John Lloyd, marahil ay dahil lubos na silang nagkakaintindihan. “We talk about the scenes, we talk about the emotions,” kuwento ni Bea. Sa pelikulang ito rin daw naging excited si Bea na dumating sa set dahil gusto raw niyang nakiki-bonding kay John Lloyd at sa ibang miyembro ng staff.  Puring-puri rin ni Bea si John Lloyd bilang aktor. “Para sa akin, siya ang pinakamagaling na aktor sa henerasyon namin, that’s why to share a scene with him or to be in one frame with him is such an honor for me.” 

Ngayon pa lang ay lumilikha na ng ingay ang The Mistress, lalo na sa trailer na ipinapakita ang kissing scene nina Bea at Ronaldo Valdez na gumaganap bilang kanyang kalaguyo. Matatandaang si Ronaldo ang gumanap na tatay ni Bea sa teleseryng I Love Betty La Fea. Lubos naman ang pasasalamat niya sa veteran actor for taking good care of her. Sinabi ni Bea na sina Richard Gomez, Vic Sotto at Aga Muhlach ang mga gusto niyang mature men sa showbiz.