• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes on US trip with Rayver Cruz: 'Kailangan niyang bumawi sa akin'

Cristine Reyes on US trip with Rayver Cruz: 'Kailangan niyang bumawi sa akin'

Cristine Reyes says she and boyfriend Rayver Cruz won't make it to the Star Magic Ball to make way for their three-day vacation abroad.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

8/25/2012 11:31 PM
Cristine Reyes on US trip with Rayver Cruz: 'Kailangan niyang bumawi sa akin'


082612-cristine-main.jpgNapapadalas ang pagpunta nina Cristine Reyes at Rayver Cruz sa Tagaytay kasama ng ilang kapamilya at malalapit na kaibigan. Patunay lamang ito going strong pa rin ang kanilang relasyon sa kabila ng intrigang nag-cool off sila noong panahong busy si Cristine sa teleseryeng Dahil Sa Pag-ibig. “Kasama ko lang siya [last weekend] ‘di ba? Wala, ewan ko kung bakit may lumalabas pang ganon e nakikita naman nila na lagi kaming magkasama.”

Kitang-kita naman kung gaano kamahal ni Rayver si Cristine. Bagamat tahimik ay lagi lang itong nakasuporta sa aktres. Pero not to the point na titigil ang mundo nito kung sakaling hindi sila magkatuluyan sa huli. “Hindi naman totoo na hindi kakayanin ng isang tao na mawala ang isang tao, dahil hindi naman doon nakukuha ang buhay ’di ba?” 

Swerte rin naman si Rayver kay Cristine dahil napakamaalaga nitong girlfriend. Kung minsan nga ay nagpopost pa si Rayver ng pictures sa tuwing paglulutuan siya nito sa bahay. Very humble naman ang aktres ng tanungin namin kung totoo bang masarap siyang magluto. ”Hindi ko alam. Basta ginagaya ko lang nasa cookbook. Natuto na ako dun.” Kahit noong nagpunta raw sila sa Tagaytay ay nagluto rin siya para sa mga pamangkin niya at kay Rayver.

Samantala, hindi raw makaka-attend ng Star Magic Ball ngayong taon ang magkasintahan dahil nagkataong nasa U.S. sila para magbakasyon. ”Wala kami e. Kailangan niyang bumawi sa akin kasi hindi siya sumama sa akin sa London. Kasi nasa US ako for work and then may tour ako sa Canada with Vice Ganda. Tapos after nun, vacation ng slight, mga three days. Susunod si Rayver.”