Angelica Panganiban says she is busy but happy

Angelica Panganiban is enjoying work on her current projects both on TV and in movies.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

8/25/2012 11:25 PM
Angelica Panganiban says she is busy but happy


082612-angelica-main.jpgKuwento ni Angelica Panganiban, nagsisimula na siyang mag-taping ng kanyang susunod na teleserye, ang Apoy sa Dagat kung saan makakasama niya si Piolo Pascual. “Sobra naman kaming happy sa kinakalabasan ng trabaho namin and excited kaming dalawa dahil kapag kaming dalawa ang magkasama, masaya lang kami lagi,” kuwento ng aktres. “Mabilis ang takbo ng trabaho namin and masaya kami dahil ang ganda-ganda ng flow ng working relationship namin sa mga tao sa paligid namin.”

Bukod pa sa teleserye, abala rin si Angelica sa pagsu-shoot ng pelikula niya with Angel Locsin, Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo. “Tuloy-tuloy naman ang pagsu-shoot namin. I think patapos na yata kami. Siguro nasa 40 percent na kami ng movie and paganda nang paganda ‘yung nangyayari. Para kaming gumagawa ng teleserye and nae-excite kami everytime na nagsu-shooting kami.”

Kasama rin ang aktres sa Star Magic movie bilang celebration ng ika-20th anniversary ng talent arm at umaasa siyang maipapalabas na ito sa darating na November.

Speaking of Star Magic, pinaghahandaan na rin ng aktres ang annual Star Magic Ball kung saan nagsasama-sama ang lahat ng talents ng Star Magic para sa isang gabi ng formal celebration. “Sobrang excited ako na makakasama mo ‘yung mga kaibigan mo do’n. Isang malaking celebration siya, 20 years ng Star Magic and parang meron kayong isang malaking gathering para mag-bonding kayong lahat, walang trabaho.”

Aniya, hindi pa rin daw niya alam kung sino ang makaka-date niya sa nasabing event dahil may dalawang linggo pa siya para mag-isip kung sino ang makaka-date niya o baka dumating kasama ang mga co-stars niya sa Banana Split.