• Home
  • Fresh Scoops
  • Martin del Rosario wants to continue his tandem with Denise Laurel even after their teleserye ends

Martin del Rosario wants to continue his tandem with Denise Laurel even after their teleserye ends

Martin del Rosario is happy that fans are very receptive to his team-up with Denise Laurel in 'Pintada.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/24/2012 11:05 AM
Martin del Rosario wants to continue his tandem with Denise Laurel even after their teleserye ends


082412-martin_main.jpgHindi maikakailang na isa si Martin del Rosario sa mga bagong artista na namamayagpag sa showbiz. Unang nakilala siya bilang si Berto Matias sa teleseryeng Minsan lang Kita Iibigin kasama si Coco Martin, Andi Eigenmann, at Maja Salvador. Ngayon ay sunod-sunod na ang kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Mula sa blockbuster hit na The Healing, isa siya ngayon sa bida ng bagong pelikula ng Skylight Films na Amorosa: The Revenge.

Sa nangyayaring ito sa kanyang karera, pareho niyang nararamdaman ang swerte at biyaya. Aniya, “Lahat na kasi, lahat ng gusto ko nagagawa ko. Nakakapag-aral pa rin ako, nakakapag-artista. Naeenjoy ko yung both worlds, yung artista world, at habang nandiyan masaya naman.”

At ngayon mas kilala na si Martin bilang ang estudyanteng si Sev sa Precious Hearts Romances presents Pintada na may temang May-December love affair sa kanyang guro na ginagampanan naman ni Denise Laurel. Hindi pangkaraniwan na magkaron ng ka-love team na ang babae ang mas matanda kesa sa kaparehang lalaki pero para kay Martin mas gusto niya ito at hiling pa nga niya na kapag dumating na ang panahong matapos ang kanilang serye, si Denise pa rin sana ang kanyang makasama. “Kasi gusto kong katrabaho si Denise. Very comfortable na ako sa kanya at ang dami na naming alam sa isa’t isa. At kung yung mga tao pwede pa rin kaming tanggapin pagkatapos ng Pintada, sana yun na lang. Kaso taboo e na yung babae mas matanda sa lalaki tapos from the show na teacher siya estudyante ako pero sa suporta na pinapakita ng tao ngayon, yung Martin del Rosario-Denise Laurel love team hit na hit naman. So sana makita ng ABS na i-weigh na makaisip ng creative na istorya na medyo ganun din, why not?”

Marami sa kanilang mga tagasubaybay ang nadadala sa kanilang mga karakter kaya naman sa eksklusibong panayam na ito ng Push.com.ph kay Martin natanong namin siya kung sa ngayon ba ay nagiging lapitin na rin siya sa mga babaeng mas may edad sa kanya. “Hindi mo naman kasi maiwasan may mga ganun din naman, open naman ako kung ‘di lang busy. Open naman ako e sa ugali e, jinujudge ko naman yung tao sa ugali, yung total package. Kung hindi ako busy may time naman ako makipagdate so ngayon hindi lang ako makapagdate, wala talagang love life dahil ngayon araw-araw taping.”

Ibinahagi niya pang nagkaroon na rin siya ng mga girlfriends na mas matanda sa kanya. “Nagkaroon na ako ng mga older girlfriends na mas matanda sa akin ng six years, mga seven years.” Kaya masasabing malapit din siya sa kanyang karakter sa Pintada.

At ngayon ngang kasama siya sa Amorosa: The Revenge na isa na namang horror movie matapos mapabilang sa The Healing hindi ba siya nangangamba na baka magkaroon ng pagta-typecast sa kanya sa mga horror movies? Pero ayon sa binata, “Hindi, I see to it na iba-iba yung atake ko sa mga characters ko na very particular ako diyan kasi I think of the character first before doing a movie.”