• Home
  • Fresh Scoops
  • Markki Stroem says he feels a deep connection with Zia Quizon

Markki Stroem says he feels a deep connection with Zia Quizon

Markki Stroem admits that he and Zia Quizon have a deep musical connection.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/25/2012 12:42 AM
Markki Stroem says he feels a deep connection with Zia Quizon


082512-markki-main.jpgMarami ang hindi nakakaalam na isa pala sa mga pinakamalapit na tao ngayon sa singer na si Markki Stroem ay ang kapwa singer din na si Zia Quizon. Ayon sa binata, “Sobra akong nabibilib sa kanya lalo na yung mga original songs niya at compositions niya na hindi niya pa pinapalabas sa world and I think she should put it out there kasi sobrang ganda ng mga originals niya.”

Walang masabi kung ‘di papuri si Markki sa kaibigang si Zia. “She is a smart individual saka parang airwaves kami, na for example we don’t get to see each other every month or whatever pero pag nagmimeet kami sobrang interesting ng mga conversations naming as in sobrang deep.” Kwento pa ni Markki na kapag nagkakaroon sila ni Zia ng pagkakataong makapag-usap, sobrang lalim ng kanilang mga napag-uusapan. “Wala sobrang deep ng pinag-uusapan namin. Everything, existentialism, hindi ko alam e, everything under the roof, under the sun, yung connection naming sobrang solid in terms of artistry in the sense na we like the dark side of things.”

Saludo ang binata sa galing sa musika ng bunsong anak ni Zsa Zsa Padilla at nang yumaong Comedy King na si Dolphy.’ Pag may kapuna-puna sa ginagawang musika ni Markki sa sobrang tiwala nito sa galing ng dalaga, hinahayaan niya ito dahil ayon sa kanya. “Yeah of course tinutulungan niya ako sa lahat ng mga ginagawa ko. Pag may mga songs, may mga questions ako sa kanya, magtetext ako, ‘Okay ba ito? Isesend ko yung song ko sa iyo. Check mo kung okay. Kung hindi okay ieedit ko talaga.’ Tapos sasabihin niya na, ‘Hindi ko masyadong feel yung part na ito.’ Okay sige cure tapos gagawan ko ng paraan. Kasi parang thesis yung album e, thesis yung mga songs, sinesend ko talaga kung ok parang proof reading.”

Sinabi naman ni Markki na kahit sobrang malapit sila sa isa’t, pagiging magkaibigan lang ang namamagitan sa kanila. “Its very music oriented. Yung relationship naming its very music oriented. Yung parang I really, really strive na and I push her na, ‘Zia, ilabas mo yung songs mo.’ I really push her kasi ang gaganda ng mga songs.”

Nabanggit din ni Markki na hindi man sila madalas nang magkasama ni Zia at sa pinagdadaanan din ng pamilya niya ngayon, sinisiguro ni Markki na may komunikasyon pa rin sila. “Tinetext ko siya minsan, tinatanong ko kung okay siya like yung nangyari sa Dad niya. Parang in a sense nag-aral din siya similar sa school ko so parang neighbors kami schoolwise kaya we have similar understandings of the world.”