• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros is hopeful that she will get the title to her house soon

Melai Cantiveros is hopeful that she will get the title to her house soon

Melai Cantiveros is optimistic that she will be able to get the title of her house from controversy-ridden Globe Asiatique.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/23/2012 10:32 AM
Melai Cantiveros is hopeful that she will get the title to her house soon


082312-melai_main.jpgSa kinahaharap na kaso ngayon ng Globe Asiatique, napag-alaman na hindi lang si Ejay Falcon—ang nanalo bilang Big Winner ng 2008 Pinoy Big Brother Teen Edition Plus—ang wala pang titulo sa napanalunang condo unit mula sa kumpanya ni Delfin Lee. Pati si 2009 Pinoy Big Brother Double Up Big Winner Melai Cantiveros ay wala pa ring hawak na titulo sa kanya napanalunang bahay.

Ayon kay Melai, maliban sa mga kasong isinampa ng mga biktima sa Globe Asiatique, wala naman siyang masamang karanasan dito maliban na nga lang na wala pa sa kanya ang titulo ng kanyang tinitirhan. Ayon sa dalaga, “Ang karanasan ko sa Globe Asiatique ay napaka the best. Ngayon ko nga lang nalaman na nung nag-Bandila ako na meron palang problema ang Globe Asiatique. E sinabi ko na sa Bandila na sana huwag naman sa akin kasi wala pa naman yung titulo ko. Sana makuha namin ni Papa Johan (Santos, kasama niyang nanalo ng house and lot dahil sa isang napanalunang challenge) saka yung mga kasama ko na housemates kasi may issue na nga ang Globe Asiatique.”

Ngunit pinatotohanan ni rin ni Melai na may nararamdaman na rin siyang anomalya bago pa man pumutok ang isyu. “Totoo pala yun kasi yung babayarin ko sa kuryente ang pangalan nun Fatima Sevilla.” Kahit na ganito ang sitwasyon, nakuha pa rin ng dalaga na magpatawa ukol dito, “Kasi ako naman si Melai Cantiveros sa birth certificate ko baka Fatima pero kinonfirm ko naman Melai pa rin naman ako.”

Nang matanong din ang dalaga kung sumadya na ba siya sa Globe Asiatique para kumpirmahin ang titulo ng kanyang bahay, “Hindi ko pa na-confirm kasi ‘di pa ako nakapunta sa kanila pero sana pag pumunta ako dun okay naman.” Dalawang taon na silang walang hinahawakang titulo sa bahay, “Hindi ko naman hinahanap kasi ‘di pa naman kami pinapaalis dun. Baka kung paalisin ako try ko hanapin.”

Sa kasalukuyan hindi na muna siya naninirahan sa bahay na kanyang napanalunan sa Binangonan, Rizal. Kumuha siya ng condo unit na malapit sa ABS-CBN para tirhan pansamantala dahil mas malapit nga ito sa kanyang pinagtatrabahuan.

Kahit na nababalot ng eskandalo ang Globe Asiatique, nangamba man nung una si Melai dahil sa isyung ito, may pinanghahawakan naman ang komedyante. “Natakot naman ako pero di ako matatakot dahil may video ako na nanalo ako. ‘Di ba yung nanalo ako sa ABS?”

Sa ngayon ang plano na lang ni Melai ay kausapin ang mga tiga-Globe Asiatique. Puno ng pag-asa, nag-iwan din ang komedyante ng mensahe sa lahat ng naapektuhan ng kontrobersiyang ito, “Sa mga tiga Globe Asiatique huwag kayong mag-alala sa mga nakatira sa Globe Asiatique. Gagawan yan ng paraan ni Mr. Delfin Lee mabibigay din sa atin ang ating titulo mag-pray lang din tayo.”